Results 1 to 10 of 22
Hybrid View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2017
- Posts
- 210
September 16th, 2019 04:38 AM #1Note: Magtagalog nalang po tayo para mas maintindihan.
1) Ayaw kang bayaran ng settlement ng bumangga sayo..
2) Susunod na step ba ay dedemanda mo na?
3) Cost effective ba na kumuha at gumastos ng abogado para kasuhan yung bumangga sayo?
4) For example bago ung kotse less than 3 years. 2k lang ang per accident na participation fee sa casa. Cost effective padin ba na magdemanda dahil ayaw mag bayad?
5) Paki paliwanagan naman po ako ng step by step proseso pag mag dedemanda sa mga ayaw mag bayad na nakabangga.
6) Kadalasan ang 2k lang ang sinisingil ko binabarat pa ako. Tama lang ba ang singil ko o dapat lakihan ko ng danyos perwisyo?
Siempre pag tinaasan ko mas malaki chance ndi sila mag babayad. So balik po ako sa tanong ko na cost effective bang mag demanda?
7) Pag nag file ako sa insurance ko totoo bang hinahabol ng Insurance ung nakabangga?
8) Pag nag file ng claim sa insurance na comprehensive, pagkatapos mag pa estimate, CASH SETTLEMENT ba ang offer sayo ng insurance?
Kadalasan kasi sa casa ako dumederecho at ndi daw pwedeng cash dapat sa kanila ipagawa.
MARAMING SALAMAT PO SA MGA SASAGOT.
-
-
September 16th, 2019 07:02 AM #3
Bakit ka namananijigil ng 2k sa nakabangga sayo, ikaw dapat magbayad ng participation mo hinde yun kanilang party. Kanino ba nakapangalan yun insurwncd ng kotse mo saiyo naman hinde sila.
Itigil na ninyo yan pinapasagot sa kabilang party yun sarili ninyong participation.
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 54,213
September 16th, 2019 07:30 AM #4
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 1,318
September 16th, 2019 08:22 AM #5Participation fee, you pay it. Kapal mukha lang gusto kunin sa nakabangga sa iyo.
Bakit? Kasi lalabas naman sa police report na sila nakabangga sa iyo, or nagbanggan kayo or ikaw nakabangga.
Matapos mo ipasa sa insurance mo, sila na bahala maghabol sa kabilang partido para sa iyo.
Oo, may abala sa iyo, lalo kung ikaw ay nabangga lang at 'walang kasalanan'. Pero para sa 2k, mag abogado ka pa? May insurance ka naman para magasikaso at saluhin mga lagpas na gastusin sa participation mo.
Wag mo na pasakitin ulo mo. Basta kompleto papeles mo at maayos, bayaran mo na 2k participation, di pa tatagal pagpagawa sa kotse mo.
Hindi pwede 'cash settlement' dahil yung mga papalitan na pyesa ibabalik sa insurance company yun as part ng claim, maliban pa sa photo report para ipakita na nagawa talaga yung claim mo sa insurance at quit claim na nagawa na ang repair.
-
September 16th, 2019 10:48 AM #6
pwede mo lang hingan nang participation yung nakabangga sayo kung walang police report.. papalabasin mo na HIT and RUN.. tapos bayaran nya yung participation mo.. so hindi na malalaman nang Insurance kung sino nakabangga sayo.. wala sila hahabulin.
pero kung may police report.. hindi ka pwedeng tumanggap nang kahit anong settlement don sa nakabangga sayo kasi baka madeny ang claim mo sa insurance.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2004
- Posts
- 434
September 16th, 2019 11:51 AM #7tama ang advice ng lahat. bahala na ang insurance humabol sa naka bangga sayo.
except kung walang police report. which is a required document to claim insurance sa banggaan.
pag yun ang nangyari at usapang lalaki lang. walang habol. walang documented evidence.
charge to experience na yun.
and yes huwag ka tatanggap ng kahit piso. pwedeng sabihin na pumayag ka makipag settle.
kung sa hit and run mo i claim. hindi ka din maka pag demanda kasi supposedly unknown yung naka tama sayo.
-
September 16th, 2019 11:55 AM #8
misis ko nabangga ng isang overspeeding UV Express van dati, tinapon ng may ari yung driver nya sa ilalim ng bus, ayaw ipacover sa insurance nila or kung anu man yung repairs. the driver not knowing any better nagpaka angas pa kasi siguro isip nya binabackupan sya ng boss nya. laki siguro ng ulo nun pagalis nila kasi parang walang nangyari. hindi ako nakapunta at the time para suportahan si misis pero sinabi ko lang over the phone kung anu mga do's and don'ts.
anyway, magfafile ka lang ng complaint (criminal case) kung san man traffic investigation unit kayo mapunta, after mo makuha mga documents sa imbestigador isasubmit mo lang sa piskal sa munisipyo (wala pa 10 minutes ito, literal na submit lang at iparesibo), tapos yun na, antay ka nalang mga 2 weeks, papadalan ka ng summons para sa hearing (wala pa 30 minutes ito), wala naman bayad mga yun. photocopies lang gagastusin mo. after ng hearing kung indianin ka, mawarrant yung defendant - lalo na kung base sa investigation report ay clear na at fault sya. Ours was very clear kasi right passenger door, rear right door at rear right quarter panel and damage vs sa van na front left portions. and yung van din yung pumasok sa lane ni misis.
now yung uv express van driver na nakabangga sa misis ko has a warrant of arrest, ang bail nya ata asa 15k, nakalimutan ko na. sobra sobra sa kung sana nagpakumbaba nalang sya at nag sorry imbis na mambastos.
yung paghahabol na gagawin ng insurance mo to recoup their losses, civil case naman yun, since may legal team sila mas cost efficient na sila na gumawa nito. sila na din magdedecide if they will do it.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2008
- Posts
- 128
September 17th, 2019 05:40 PM #9
Need mo rin i-consider yung depreciation ng car mo, hindi lang kasi basta 2k ang participation mo dyan if may papalitan na pyesa, may share ka sa cost ng papalitan na pyesa hindi buong cost ang sasagutin ng insurance. Kaya need mo i-assess kung worth it ba na kung i-demanda mo yung nakabangga sayo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 1,318
September 17th, 2019 06:06 PM #10If cost of repair is almost equal to the market value of the car (di ko maalala yung max threshold kung 70% ng market value or 60%, depende na din sa insurance company), most likely dedeclare na din ng insurance as total wreck and mag offer yan ng partial payment lower than the max insured amount since may deductibles.
Most likely na sa ganun katanda na vehicle (assuming more than 5 years, around 10 years kunwari), konti na lang din nagmaintain ng comprehensive insurance and TPL na lang sa LTO meron. Iba usapan na din yun naman since wala na talaga insurance company magasikaso ng paghahabol, if ever.
So case to case na din pag ganun na inabot yung damage. Pero yung nagpost, nagsulat na din kasi ng ibang thread na "Deep scratch" lang yung sa left front panel niya, gusto niya palit instead of repair kahit na technically okay pa yung panel.
So iba din takbo ng utak ng nagpost kasi. Hehe!
^Thanks for the advise guys. Already replaced all.
Rubber boot question (repair or replace)