napanood ko po sa tv last week madami hinuli cars with no plates na bago? why po kaya? kinuha namin car namin.. befor sept 9 pa.. dahil sa tax thing.. and we just got our plates today... hmmm... hassel naman yun pag na impound ang brand new car mo.. has in ingat na ingat ka.. tapos... hmm.. sila magdradrive... nakita ko sa video sa news last week.. may mga bnew... pajero.. revo... altis... X-wind etc na naimpound eh.. over 100 daw naimpound eh... ndi ba kasalanan yan ng lto? dahil mabagal sila?
actuali... i have a frnd with a honda crv... mga june nya kinuha.. wala parin sya plates.. finafollowup nya nga sa ahente nila eh.. but wala padaw tlga...
then.. pinakita sa tv... ndi daw kasalanan ng lto... dahil... may stock daw sila ng plates.. tapos pinakita sa tv stocks nila.. ang konti... kahit idoble mo pa mga yun.. kasyang kasya sa trunk ng maliit na car...
sa canada kasi noon.. i remember nung binili ng dad ko van nya... the day mismong binili.. may dumating na tao may dala agad na plates.. and u can choose the numbers you want pa... well.. not the letter lang nga.. hehe so you can get 888 for the regular price... and.. changing plates if i remember right only cost $18... siguro napaka organized lang tlga nila sa imbang bansa.. not like here sa atin... lagyan mo lang kotse mo ng test run sa likod ok na. and dami cops walang plates.. may nabibili pa pekeng plates.. actuali.. i bought a few pairs of fake plates narin eh.. dahil.. plates ng truck namin na surplus na luma na kinalawang na nadurog at nabulok na.. so walang magamit na plates hirap mag apply ng bago sa lto... parang ayaw kami bigyan eh.. dahil... naalala ko yung isang plate namin.. kalahati nalang yung naka kabit eh.. hehehe
btw.. napansin ko.. ang daming congressman satin dito sa pinas... congressman kaya sila? o uso lang ngayon ang otso otso? hehe
that's not new issue sa atin. Yung LTO kasi nagka problema last time....change of boss....sino na nga yun sinibak ni GMA. E kasabay nuon yung supplier ng plaka ..... kaya nagkadelay lahat halos ng nabili nuong middle last year.
Yung pick-up ko 6months na walang plate (January ku na nakuha).
Yung iba rin kasi ayaw lang ikabit ang plaka. Kaya sa mga ganun okay lang maimpound para madala.
Yung legally walang plate, hindi naman hinuhuli, kasi meron ka dapat na dala na letter from your casa that the plates are not yet available (but you should have the OR and CR na with you). After a month yata at wala pa, you should get a new authorization letter na from LTO.
Ganun talaga sa abroad, dito lang naman sa atin na pati plaka pinagkakakitaan pa e. Pilipinas...love it or leave it.
260 kce ang congressman multiplied by kung ilan kotse meron sila and multiplied by kung ilan kamag anak meron cla multiplied by mga pekeng plaka pa, pero di pa ako nakakita ng close encounter na plaka na 8 na galing lang sa banawe
yung sa previa ko bought last december, hanggang ngayon wala pang OR and CR. kaya hindi ko magamit sa manila, hanggang hatid sundo lang ng anak ko. sino ba dapat sisihin pag ganito? ang LTO or ang dealer?
same po sa ride ng dad ko.. just got plates yesterday.. kasabay nung or and cr... btw... chambahan din yata eh.. cuz.. my dad's vehicle was released early september.. kahapon nakuha.. but my frnd's crv.. was nung june pa.. wala parin eh.. sabi nga nung frnd ko.. naluluma na ride nya... wala parin plates.. hehe
hi to all tsikoteers! im new to this forum, and i was also about to ask regarding this issue, then may bagong thread lang.
kasi we just got our new adventure last jan. 30 so i only have the dr and invoice and a certification from the dealer, that the or/cr is being processed, which they told me is good for 1 month. but yesterday morning pinara ako ng mmda and a traffic enforcer sa edsa hinahanap nga yung or/cr, siyempre sabi ko wala pa, ipinakita ko lang yung mga documents ko at ang sabi sa akin ito daw ay only good for 1 week, buti na lang at nakuha sa mabuting usapan, kasi nga daw i-impound daw itong auto. so, tinawagan ko ahente ko at sabi nya mag i-issue na lang daw ng bagong certification and yung conduction permit (yata) by next week daw.
kaya question lang gaano ba katagal mag process ng or/cr and mas madali ba kung hindi na ako mamimili ng ending plates?
bluebabycry::: Kahit na mamili ka ng ending plates, ganun din katagal lalabas yan. Mas lalo pa yatang matagal kung special plates with triple number and letters. Follow up mo lang lagi sa dealer na isyuhan ka ng bagong papers every month para iwas impound.
My car was released last january 21, 2004. I had my plates last February 7, 2004 under normal channel. I think, mabilis na ngayon kuhaan ng plates sabi ng dealer.
yep. may problema nga daw sa LTO. yung D-Max namin wala pa rin plates e. sabi nung ahente namin may problema nga daw sa LTO. badtrip nga yun, kabago-bago impound agad. anyway, yung or/cr dapat nga yun after 1 week lang, pero kung wala pa dapat i-follow-up. hindi naman nila kayang i-impound ng basta-basta kapag may or/cr na, saka laking hassle kapag wala pa yung or/cr kasi yung sa insurance din hinahanap yun e. may nakausap nga ako dati, 3 months bago nakuha yung plates, yung Dmax 2 months na wala pa rin... ok din kasi once na may plaka na para mo na ring sinabing luma na yung bnew car mo.
Ganon ba katagal kumuha ng plates? Yung sa girlfriend ko kasi, she bought her vehicle nung July last year, and a couple of weeks later may plates na siya. Di ba may fault din ng dealer kung baket matagal yung plates?
Ako rin marami ako na kikita na bagong kotse na nahuhuli isa na dun yung nakita ko na Honda City na bago nasita siya nung pulis sa may coastal na toll. Kaya yung bagong kotse namin hindi namin masyado magamit...Tsaka dapat hindi nila hinuhuli yung mga bagong kotse nakalagay naman "For Registration"..Dapat hulihin nila yun talagang nanadya na walang plate...Obvious naman kung bago yung auto o hindi....
Originally posted by Tifosi Ganon ba katagal kumuha ng plates? Yung sa girlfriend ko kasi, she bought her vehicle nung July last year, and a couple of weeks later may plates na siya. Di ba may fault din ng dealer kung baket matagal yung plates?
Posible din po yan na tumatagal sa dealer, minsan iniipon nila ang processing para isang lakaran kaya tumatagal ang release. Swerte na lang nung iba kung mapasabay ng maaga sa nilakad na papeles.
siguro nga nasa dealer din ang problem, kasi na kwento ko sa mga kaibigan ko yung nangyari sa akin at ang lumalbas ay different dealer, different processes, different waiting period.
kaya kukulitin ko na lang yung ahente ko. . .
same problem here. got my genIII pajero nov.27,2003 until now wala parin plates. requested for triple 1 plates (paid P5,000 for it na ata, im not sure dad ko kasi nakikipag usap sa sales agent). but when we got our new prado a couple of months earlier than the pajero mabilis yung release ng plates special letters & numbers pa yun. so depende narin siguro yun sa dealer, mahina ata dumiskarte yung taga-lakad ng diamond motors (mitsubishi)sa LTO.
Followed up with my agent yesterday, for plates, or at least for the OR/CR lang. He told me LTO only releases OR/CR together with the plates nowadays. Totoo ba 'to???
I got my unit December2, 'til now wala pang plates.
case to case basis yan, minsan sa lto, minsan sa dealer, minsan sa manufacturer ang problem. before kasi maregister ang brand new car, the dealers will have to wait for the MAIDS report, coming from the Manufacturer, Assembler, or Importer of the vehicle. most of the time ito ang matagal dumating. sa dealers naman, yun nga, iniipon muna ang papers para isang bagsak na lang.
vr6,
issuance of special plates including triple numbers is is stopped by the new lto chief, wala ka talagang makukuhang plaka.
paolorenzo,
i would say yes, ganoon na sa amin eh, sabay na ang release ng or/cr and plates.