New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 78
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    BINANATAN ni Pasig City Rep. Robert ’Dodot’ Jaworski ang tinaguriang mall moguls, partikular si retail magnate Henry Sy dahil sa abusado at sakim umanong paniningil ng parking fees sa mga sasak-yan ng kanilang mga kliyente.

    Sa panayam, kinondena ni Jaworski ang Shoe Mart (SM) at mga katulad na
    establisyamento na naniningil ng parking fees sa mga kliyente na nagiging profit-driven scheme ng mga kompanya.

    “I condemn in the highest possible term unscrupulous businessmen charging fees for parking,” ani Jaworski.

    Tinawag ni Jaworski na hindi makatwirang ‘‘business practice’’ ang pangongolekta ng parking fees nang igiit na bahagi dapat ito ng serbisyo na libre sa mga kliyenteng walang humpay na sumusuporta sa negosyo ng mga ito.

    “Parking should always be available to the customers as component of better service, it should not be chargeable because it is abusing the kindness of customers supporting their businesses,” ani Jaworski.

    Nanawagan si Jaworski kay Sy at mga katulad na negosyante na itigil na ang pani-ningil na malinaw na pagsasamantala sa kabutihan ng mga taong tumatangkilik ng kanilang produkto at serbisyo.

    “This must be stopped immediately, clients should be treated and accorded due respect,” ani Jaworski.

    Kasama si Jaworski sa grupo ng mga kongresistsa na nagsusulong ng consolidated bill na magdedeklara sa pangongolekta ng ilegal na parking fees bilang isang gawaing kriminal.

    Hindi binili ni Jaworski ang katwiran na kailangang maningil ng parking fees na karaniwang nagkakahalaga ng P40 sa unang tatlong oras para bayaran naman ang security guards at janitorial services.

    Bukod sa SM, nabatid sa mga ulat na kabilang rin sa naniningil ng parking fees ang Robinson’s, Araneta Center, ilang ospital at ibang establisyamento.

    Magugunitang naging paksa si Sy ng mga serye ng kristisismo ng iba’t-ibang grupo, partikular ang sektor ng mga manggagawa dahil sa umano’y tangkang paluging pagbili nito sa 28.5 porsiyentong sapi ng Social Security System (SSS) at 12.4 porsiyentong sapi ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Equitable PCI Bank sa ilalim ng ‘‘merger of equals’’ ng Banco de Oro, kontrolado ng una

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    Hasus... umeeksena lang yan.

    IMO... gawin naman niyang medyo intelligent ang argument nila... hindi yung illegal ang maningil sa lahat ng mall.

    kapag open parking / walang bubong... dapat libre.

    pero kung closed parking / may bubong... at least ok na yun flat rate na sinisingil ng mga mall ngayon... hindi na tulad dati na per hour ang singil nila. kailangan din naman nila mag bayad ng mga security guard at parking attendants.

    isa pa... kung may minimum na binili ka sa mall... dapat libre ung parking.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #3
    Quote Originally Posted by mazdamazda
    isa pa... kung may minimum na binili ka sa mall... dapat libre ung parking.
    yong national bookstore sa quezon ave., ganito ang patakaran... libre!

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #4
    tagal na wala sa spotlight si jawo ah hehe

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #5
    Quote Originally Posted by mazdamazda
    Hasus... umeeksena lang yan.
    oo nga naman. di na kayo nasanay sa politiko.

    isa pa... kung may minimum na binili ka sa mall... dapat libre ung parking.
    good point. afaik, ganito dati sa isang mall sa cubao.


    and lastly, kapag ginawang libre ang parking sa megamall, baka lahat ng may kotseng nagtatrabaho malapit dito e dito na magpark. what do you think congressman? i wonder bakit di nya sinama shangrila mall. dahil mandaluyong na ito?
    Last edited by niwde11; July 11th, 2006 at 10:58 AM.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #6
    ganyan sa Marco Polo hotel, pag kumain ka sa any resto sa loob bibigyan ka ng parking coupon para libre na parking.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #7
    You are usually given a choice, if you want to bring a car to park in a parkign structure, then you have to pay for the cost of building & operating such a place. Even open parking has it's cost of operating such as taxes, cost of maintenance of facilities (lights, guards, pavement, fencing, etc). Its just the reality of living in ANY city in the world.

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #8
    SM davao doesnt charge any parking fees at all.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,013
    #9
    oks lang magbayad basta covered and may security.

    hmm.. hindi nababanggit ang mga ayala malls ha. i smell something fishy..

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #10
    Quote Originally Posted by BlueBimmer
    SM davao doesnt charge any parking fees at all.
    sa mga provinces hindi naniningil... since hindi naman ganun ka mahal ang lupa dun compared to manila.

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Hataw na parking fee sa SM malls binanatan ni Cong.Jaworski