tama si papi big, blotter mo muna para may police record ka na kahit papaano. tapos kausapin mo na insurance mo kung paano pag ganyan klase ang kaso.
pay the deductibles yourself kung ayaw talaga, legal na ng insurance ang bahala sa kanila.
Ginasgas ng bata, sinisi pa ang may-ari dapat daw may cover.) - YouTube
Sent from my SM-G532G using Tapatalk
Tsk....tsk....baka akala ng magulang walang liability kc menor de edad/bata. But then the parents are civilly liable to pay for the damages.
Tama si Mr. Big, file complaint sa barangay pra mapag-usapan. If no amicable settlement reached between the parties, get certification from the barangay/lupon para may magamit ka to file case of malicious mischief sa regular court. Im not sure how this will proceed kc menor de edad pa ang offender but I’m certain that you will get a favourable decision sa civil liaiblity aspect ng case and the prents will pay for the damages.
Or just let it pass, file claim sa insurance for less stress.
Sent from my iPhone using Tapatalk
This is why you need to have a comprehensive insurance, for peace of mind.
It's better to pay for the participation fee, than attorney's fees...
Get a police report, file with your insurance, insurance to chase the offending party. Cheaper and headache free.
You afforded to buy a car, you must be able to afford a comprehensive insurance.
I would let it pass and move on and pay for the participation kesa ma stress pa ako at makipag away. Wala kang magagawa kung balasubas din yung magulang ng bata.
At the same avoid parking near their place if possible. Yan talaga risk ng street parking.
paano ginasgas..nasa labas lang ba ng bahay nakaparada sa kalsada ..
baka sa huli eh ikaw pa lumabas na mali kung sa labas lang ng bahay naka parada...![]()
Kung diyan ka rin paparada eh di mangyayari uli yan. Suggest ko at least ipa-baranggay mo para makita nila na seryoso ka.
Or, hanap ka ng mas secure na parking slot.
Sent from my iPhone using Tapatalk
Ipa baranggay mo. Para makaramdam, kung meron man, ng hiya kapitbahay mo. But consider also, kung wala talagang modo yan, at napahiya sila sa baranggay, pwede nila balikan auto mo. Unless ilipat mo sya ng parking. And ang mahirap sa ganyang community, sila na mali, ikaw pa lalabas na kontrabida dyan.
Weigh pros and cons. If sobra stress and hassle, let it go. If you want to prove a point, push it.
But in the end, charge to experience. I noticed bago pa kotse mo Sir. Is this your first car? If so... There is always a first time. And the first time hurts the most. Soon you'll get over it.
My first car alagang alaga ako. Halos wax every week. And konting gas gas kahit hairline, naiinis ako. Soon you'll realize such things are unavoidable as part of car ownership. And it won't hurt as much as the first. Makaka move on ka rin Sir.
Masakit talaga pag una![]()
Sent from my ONEPLUS A3000 using Tapatalk
Let it go pare. Kung ayaw talaga magbigay, ganti ka na lang sa ibang bagay para mag balance.
Sent from my SM-G935F using Tapatalk
Ayon na nga, yung chairman dito hindi pumabor samin kasi daw government property kaya park at your own risk. Ako pa nga pala ang mali dito. Napakagaling.
Itong eskinita na as shown in video perpendicular yan sa st at kaming pamilya lang ang nakatira kompleto yan ng papeles allowing us to park sa mtpb at barangay. Anyway bwisit lng aq sa chairman dito kasi last year nung may nadamage ako na van pinabayaran ako ng 2000. Ano yon?
Sent from my SM-G532G using Tapatalk
Sa inyo ba yung eskinita? Dahil kung hindi, may katwiran yung chairman, may tulog sya pag pinanigan ka nya.
Ganyan din ako dati, parada sa kalye, kaliwa't kanan ang daan ng de padyak at tao, minsan kinukusa pa ng mga bata paglaruan ang sensor alarm ko, walang magagawa, tiis lang ako, 1 car garage lang ako, so personal car ko nasa loob, yung sa labas company car![]()
I forgot to qualify my statement above pala, based on what I saw on the video, the kid did not seem to have any malicious intent, he was simply playing, goofing around.
Ma pride ang ordinary pinoy, lalo na kung naka aangat sa buhay ang mag confront sa kanya, so baka kaya ganun ang naging reaction nung tatay sayo. Dyan ako maingat, kahit inis na inis na ako sa kapitbahay ko, pakiusap pa rin ang dating ko sa kanila, at kung napagbigyan ako na tanggalin yung abala nila sa akin, nagpapa salamat pa ako. Katwiran ko, mas tahimik ang buhay ko pag ganun![]()
Risk you have to take pag street parking ka. Ang mga magulang di na mababantayan 24/7 anak nila. Ang masama ay kung ulitin nung bata inspite of the fact na nag reklamo ka.