New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    ANIM sa 10 Filipino na kumukuha ng driver's license ang bumabagsak sa ipinatutupad na written examination ng Land Transportation Office.

    Pinakahuling bagsak sa eksaminasyon ay isang kongresista at isang opisyal ng Bureau of Customs.

    Sa record ng LTO Northern Office, 70 porsiyento ng mga Pinoy na kumuha ng ng naturang pagsusulit ay bumabagsak sa hindi malamang dahilan.

    Ito ay sa kabila ng pagiging universal o madali naman ang mga tanong sa naturang pagsusulit. Bukod dito, pinapapili ang mga examinee kung Tagalog o Ingles ang nais nilang pagsusulit.

    Sentido kumon lamang naman aniya ang kailangan ng aplikante para madaling masagutan ang mga tanong na karamihan pa ay tungkol lamang umano sa mga traffic signs sa lansangan.

    Batay na rin sa ilang report, kabilang sa mga bumabagsak sa exams ay hindi lamang mga ordinaryong driver, kundi matataas na opisyal ng gobyerno, customs, personnel, doktor, engineers, abogado at iba pa.

    Kapag bumagsak, kailangang maghintay ng panibagong 30 araw ang aplikante para muling makapag-exam.

    Dahil dito, pinapayuhan ng LTO ang mga interesadong kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho na mag-aral muna o mag-review bago kumuha ng eksaminasyon.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    733
    #2
    kung sa amerika report ito, baka sakaling patas!

    pero, dito sa atin, kahit kaya mong ipasa exam tsaka actual, la epek. pag nag lagay ka ok na.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Bago kumuha ng lisensya, mag-aral muna o mag-review?

    He-he! Ano itong pinagsasabi nila? Eh, kahit nga bulag eh, nakakakuha ng drivers license!

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    311
    #4
    eto totoong story. nahuli ko long time ago entering a one way street in makati. di ako nag attempt maglagay so kinuha license ko required daw mag seminar para tubusin. so trip lang nag attend ako ng seminar. dun sa seminar ang ginawa nung mga tao dun, magpapa exam daw muna at yung babagsak e yun na lang daw ang magse seminar. so yun exam kami, ang mga kasama ko dun mga bus drivers, jeepney drivers mostly, 2 lang kami na nag o opis. The result... langya kung sino pa mga driver bagsak.. you know what the questions were? basic traffic rules/signs grabe...most of the questions common sense lang e. nung araw na yun nalaman ko na kung bakit siraulo magmaneho mga bus drivers dito sa atin

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,058
    #5
    natural lang na bumagsak yan mga yan. most of them ignore traffic signs and don't obey traffic rules. kaya hindi na nila tuloy alam kung ano ang tama o mali.

  6. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    296
    #6
    That's proof enough. Common sense is a luxury not everyone can afford in this country.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    d-driver naman daw kasi yan mga opisyal hehehe

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,177
    #8
    Hehehehehehehehehe

    Nakasulat na nga sa questionaire ang sagot bagsak pa rin :D

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #9
    just an analysis on my own..

    the test involves proper "Moral Judgement"..on some part of the exam..

    like..

    If you encounter a vehicle using High Beam.. what would you choose??
    A. use also your high beam
    B. glance to the right an..........
    C. ......

    ans.. B.

    A. A. use also your high beam(Medyo mean pero quilty din ako dyan...ehheheh)


    sharre ko lng...

  10. #10
    eh di ibig sabihin walang common sense ang ilan sa mga customs at congressman natin

Page 1 of 2 12 LastLast
Congressman, opisyal ng Customs lagpak sa LTO exams