Bigat ng paa ng mga kamag-anak mo

Yang 5km/L mangyayari kung parang sedan ang pag-maneho mo ng innova. ~8.3km/L ang city driving KUNG...
- tama lagi tire pressure.
- hindi mo basta basta palalampasin 2000rpm. Tangapin mo na lang na hindi sing bilis ng kotse umarangkada ang innova.
- gamitin mo momentum ng sasakyan, pagulungin mo pag may pagkakataon, e.g. kung alam mo halos full stop ka sa unahan wag ka na umarangkada. Parang sa pag-bibisikleta, hindi ka panay padyak at brake pinapagulong mo din. Bumuwelo ka bago dumating fly-over.
- iwasan mo maipit sa traffic (stop and go), bumiyahe ka ng mas maaga o mas late, wag ka sasakto sa rush hour.
- kung naipit sa traffic, wag ka na umapak sa gas kung kaya naman pagulungin ng makina.... sayang lang pepreno ka din naman.
- kung paakyat parada sa garage mo at safe naman street parking sa daan ka na lang, wag mo na paakyatin. Same goes with city parking... iwasan mo yung aakyat baba ka pa kung meron mas ok na mapaparadahan.
- wag ka basta basta mag-overtake. lagi mo tatanungin sarili mo, kailangan ko ba talaga mag-overtake o ayaw ko lang may sasakyan sa harap ko? ang pag overtake dapat change lane lang (passing lane) kasi mas mabilis talaga takbo mo... hindi yung kailangan mo pa umapak ng mabigat sa gas para maka-overtake. Parang pag naglalakad... hindi ka naman tatakbo para lang maunahan ang nasa harap mo di ba?
- wag ka maglagay ng rack sa bubong, dagdag drag lang yan sa hi-way. Malaki naman loob ng innova, rarely mo lang din magagamit yan, e.g. maglilipat ng bahay.
- ibaba ang mga hindi kailangan na gamit... dagdag bigat lang yan at dagdag kunsumo sa gas tuwing aarangkada.
- sa gabi pag pauwi, kung safe naman sa subdivision mo at ilang metro din ibabyahe mo sa loob, patayin mo na aircon, fan ka na lang (ubos lamig) o kaya baba bintana.