Hi Daynah,
In my POV, Ok ang cash, yun nga lang sayang kasi yung pera kung ibubuhos mo lahat sa ride, pwede pa kasi magamit yun sa ibang paraan. kung bank naman or TFS, the shorter na year mo babayaran mas mababa ang mahoholdap nila syo. Saka as what I said before, kung konti ang units ndi ka priority kung cash ka. priority nila yung hulugan kasi kikita sila ng masmalaki kaysa cash.
Also, try to ask for more freebees. Wag ka na kumuha ng seat cover, papalitan mo na lang ng iba, pangit yun seat cover nila, magpaleather ka na lang, meron 7500php nun, yun free seat cover ko pinapalitan ko na ng leather.
Try mo hingin ito: step board, spare tire lock, 3M tint na buo yun windshield mo. Saka ipilit mong free yung insurance with AOG at LTO. Basta ipakita kamo ng nakikipag negotiate na willing silang maglumipat ng ibang dealer kung di nila kayang ibigay demand mo.
Base kasi sa experience ko, once na napaOO ka na ng agent mo at nagdown ka na, no way ka na makahingi ng kahit ano. Isa pa most of the time dedma ka na sa kanila once nailabas mo na unit mo! Ika nga nakuha na nila yun gusto nila.
Nga pala, i'll go for jade green! i like the color of $...
Good luck!
This is just my idea based on my experience...