2.0 VVTi M/T wala akong masabing pangit sa performance at reliability, considering mahigit 2 years na kong naka LPG walang pinagbago sa performance at hatak. Walang adjustments na ginagawa sa makina pag PMS dahil self adjusting siya, at plug and play ang spark plugs. Running 4 years na ang VVTi ko pero pag umaga nagtutubig pa rin ang tail pipe ko meaning okay pa ang engine ko at wala pang usok.
Last month nagsukat uli ako ng FC ko pure Gasoline and pure LPG tig one week ko ginawa.
Fuel Consumption: 9 passengers daily, 80Kms daily. Mixed City driving but with heavy traffic on EDSA and Commonwealth.
Pure Unleaded for one week (LPG disabled): 8-10 Kms per liter
LPG mode with Gasoline 30 secs every 5 mins. for one week: 7-9 Kms per liter
Every 5K kms ang change oil ko pero parang bago pa palagi ang langis, kaya minsan hinihingi ng mga service crew ng gasoline station

malinis kasi ang LPG kahit sa spark plug kita mo na walang tarnish residue.
