SiR,
Thanks po, orange ang kulay,magandang itakbo sa highway at kahit medyo mabilis ay stable ang takbo,since na malapad nga ang tires, yun nga lang kapag nasa 120-140 ka ay may humming sound na sa tires.
Pinacheck ko sa Honda Caloocan, then sabi nila ay mabigat daw ang wheels at tires kaya induce ng humming sound kapag mabilis.Anyway maximum speed discipline ko ay 120 lang po, inahabol ko lang minsan ang wala ding disiplina na mag cut sa toll ways

..he he he.
Black po ang innova ko, dsl G variant m/t, i choose m/t since sanay na po sa clutch at shift gear, medyo may fun kung may galaw ang kamay at paa sa driving di ba? medyo kakaantok po yata ang a/t,sorry po sa a/t owners, opinion ko lang po ito.In terms of convenience lalo na sa traffic ay maganda po ang a/t.
May ask lang po ako sa ating mga professional drivers at mechanic, I use to apply engine braking before stepping on the brake pedal naging habit na po sa driving ko, thats why i preferred m/t.
Ano po ba ang disadvantage ng Engine braking? ang alam ko lang po ay very smooth and fast ang deceleration and it's always a fun for me hearing the engine respond sound

...complain po ang kids ko the way I drive, mali daw po ang Engine braking???
Regards po and happy driving with care.
Enjoy po ako dito sa site, very helpful po ang mga members.
Mae