Greetings everyone! Newbie here at gusto ko sanang humingi ng advice sainyo mga Hilux gurus. =)
I was wondering kung ano ba ang maximum tire size na pwedeng magkasya sa stock 2005 Hilux 3.0 D-4D without doing any lifting? Plano ko kasing i-upgrade na ang kanyang mga tires (from the stock 255/70/R15 Bridgestone Dueler H/T) just in time para sa 10th anniversary nya this year (4/30 to be exact).

Sa isang dekada namin syang kasama, mga nasa 37+k palang ang mileage nya as of this writing.

I've been doing some research at base sa mga nabasa ko ay ang 31/10.5/R15 ay big enough na daw magkasya without causing any rubbing in the fenders/wheel arch/mudflaps. I hope someone here could confirm this, since due to budget constrains ay gusto ko lang sanang mapa-laki ang tires ng aming Hilux (and make it an A/T as well) ng hindi na gagastos pa ng extra sa pa-lift.

Thanks for your time mga Tsikoteers! Hope to hear from you guys soon.