
Originally Posted by
Miavanza
Salamat Sir Zuneia sa inputs mo, nakita ko nga sa previous posts malupit sinapit ng avanza mo. Di pa nakakatikim ng repair si Whitey ko (white avanza) since mabaha (hanggang seats lang nman) nilinis lang ang brake pads/shoes. Nadiagnose na sya sa Toyota Balintawak, papalitan na daw ecu ng airbag kse steady ang light nito. Pinull-out ko muna don kse 1month pa daw dadating ung stocks ng ecu ng airbag. Merong mekaniko ung pamangkin ko taga Marikina, yon ng nag-ayos ng brakes ko dati, di nmen sya mahagilap kahapon eh. By the way taga Pasig Greenpark ako, walking distance sa Sta. Lucia Mall, meron ba akong neighbor na member dito?
Nong late afternoon chinek ko ulit ung aircon kung gumagana while naka-park. May lamig na sya, kumbaga back to normal...ang worry ko baka pag pinaandar ko ulit baka mawala ulit ang lamig at mag-overheat. Kinuwento ko sa friend ko ito, nangyari na rin daw ito sa kanya. After a few kilometers na takbo, mawawala ang lamig ng aircon, at mag-ooverheat ang makina, probably sira daw ang fan belt switch ng kotse pag ganon. Electrical problem po ba ito?
Kawawa nman si Whitey wala pang masyadong nararating dumadami na ang sira (5400 pa lang ang reading nya & 1yr old). Void na ba lahat ang warranty pag nabaha na?