What: PMS / Aircon Cleaning / Breakfast EB
Where: Toyota Shaw
When: Jan. 12, 7am
** Qwerty
** Jane
** Shadow
dala kayo food! sagot ko kape! ako magtitimpla! sagot pala nang Toyota Shaw! hehehehe
sino na nakapag palit nang battery sa inyo??
15 months pa lang si Goldie ko.. eh mukhang papalitan na agad ang battery.. kagabi kala ko hindi mag start.. matic pa naman.. tsk tsk tsk.. nag inquire ako sa Motolite.. 3.2T+ daw yung Motolite Gold Maintenance Free.. yun daw yung advisable para sa avanza natin lalo na pag matic.. 21 months warranty, yung Motolite Enduro Maintenance Free din.. 2.8T naman.. 15 months warranty.. Free delivery and installation, 100 lang daw yung amount nung GS natin pag ni swap.
ni check ko kaninang umaga yung tubig.. eh kalalagay ko lang nung Jan. 1.. halos tuyo na naman yung tubig nung isang cell.. nung nilagyan ko kanina.. ayus naman.. one click na lang ulit..
gastos na naman! arg! baka sa sweldo pa ako makapag papalit..
Ng nagpa 35K PMS ako sa Toyota Shaw, sinabihan ako na mahina na ang battery ko ayon sa tester nila. Recommended na palitan na. Pero hindi muna ako nagpalit kasi 1 click pa naman. Maintenance needed ang stock battery. At least once a month check ko ang fluid levels. Cheap lang naman ang battery fluid.
BTW, pag nagpalit ako ng battery, ang gagamitin ko ay ang standard na laki ng battery terminal. Maliit kasi ang nasa stock. Balak ko na heavy duty na ang gamitin ko. May nakita ako sa Kid Audio, 900 petot ang battery terminal na ito. So far hindi pa ako nakakabili ng battery terminals at battery mismo.
Ako bro nagpalit na ng battery last december & yung Motolite Gold yung binili ko. 3k flat sya dito sa pampanga. Pinalitan ko na sya coz nung almost 2 weeks na di ginagamit yung avanza ko, di na sya nag-start kaya palit kaagad ako coz automatic din yung sa akin.
Problem lang is pinalitan yung mga clamp ko coz di pwede yung original clamp ng avanza sa motolite gold. Mas-mataba kasi yung mga pole ng motolite.
eh magkano kaya yung brand new na GS battery? yung mismong nakalagay sa avanza natin na maintenance NOT FREE.....malayo ba price sa mga maintenance free? mag 2 years na oto ko sa jan 29
wala akong makitang contact nang GS eh.. ni try ko i google.. wala ako makitang number..
baka next week papalit na ako nang battery..
nagtnong ako ng price ng GS same as stock P2,786 15 months (34 amp) warranty dito banda sa caloocan sa tapat ng red cross yung store.
Meron din akong napag tanungan na GS Battery pero 45amp reverse polarity din 12 mos warranty pero P3,780 sa West Ave naman ang store nila.
Outlast battery naman NS40 reverse polarity 40amp 20 months warranty P3,200.00
Fafa Shadow361.....maraming salamat sa breakfast....pag sundo kay vanzie pa-burger ka naman pero di na sa TYT Canteen ha hehehehe![]()
hmmm if i remember correctly.. ang sabi nung nakausap ko sa motolite.. yung motolite gold eh 75 amp.. eto daw recommended sa automatic..
Qwertz yung sinasabi mo yun yung magpapalit ka pa ng clamp/battery terminals....yung tinanong ko isasaksak na lang daw derecho...ang avanza daw kasi reverse polarity something....P100 lang trade-in ng GS
tinanong ko din yung Motolite Enduro, maintenance free din.. 2.8T naman daw yun.. 15 months warranty.. eto yung sinabi na babaligtarin.. kasi baligtad daw polarity nang Avanza.. babaligtarin lang daw yung battery pero abot pa rin naman daw yung clamp/terminal..
pero yung Motolite Gold daw.. hindi na babaligtarin.. pero hindi naman nasabi sa akin na magpapalit nang clamp/terminal.. hmm tanong ko nga..
tinawgan ko yung CASA.. motolite Gold daw ang sa Avanza.. 3.9T daw sa kanila.. small pole daw.. wala nang papalitang clamp/terminal..
tumawag ako ulit sa Motolite - Motolite Gold nga daw NS40 - small pole - sasalpak na lang daw to.. Php3,370.00 less Php113.00 (trade in value nung GS) = Php3,257.00 lahat lahat, 21 months warranty.
tumawag din ako sa Outlast - Outlast Special daw small pole din, 20 months warranty, Php3,200.00 less Php120.00 (trade in value) = Php3,080.00, free delivery and installation din daw...
ayan.. ok na.. ang problema na lang yung pambayad! hahahaha!
need your feedback sa tint job ng toyota balintawak(near monumento).nagkaroon kasi ako ng back job sa kanila and imbes na kumonti ang bubbles eh dumami pa. baka naman me kilala kayo sa toyota balintawak na magaling mag tint.nalimutan ko yung name nung gumawa eh.ang tanda ko lang eh medyo matanda na sya.thanks
usually yang bubbles nawawala after 2 weeks.. pag di pa nawala.. paulit mo na..
yung nag ti tint sa Toyota Shaw magaling..
^^^ Kaso pag may bubbles pa rin after 2 weeks, sa dealership kung saan nakuha ang unit ay duon papapalitan ang tint.
mukhang malayo ang location ni bolty sa toyota balintawak......from batangas ka pa Bro.........baka pwede mo i-arange na kung me problem padin dun sa tint mo eh sa somewhere near batangas na lang mapa-ayos....balikan ng batangas ng 2 beses eh gastos mo sa gasolina...pampa-ayos na ng tint
thanks for the suggestion sir jaspi.will do next time.hopefully pumayag sila.ang nakaka bad trip kasi last time eh nagtuturuan pa sila.sabi ng nag tint salamin daw.sabi naman ng taga warranty eh tint daw.nasayang na isang araw mo tapos nagtuturuan pa.![]()