New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 12 of 162 FirstFirst ... 289101112131415162262112 ... LastLast
Results 111 to 120 of 1613
  1. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    15
    #111
    UP ko lang FX forum, magandang araw po mga idol FX owners ,
    Plano ko po sana bumili ng Fx na Diesel, para makatipid sa FC, pwede makahingi ng tip kung paano malaman na okey pa ang makina pagka diesel, Baka mamaya makabili kami may kasamang panadol pala sa loob mahirap na, nasa huli palagi ang pagsisi. Kung 5K at 7K na makina na mabili ko at papalitan ko ng diesel na makina mga magkano po kaya aabotin ng makina at labor?

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #112
    greetings to all fx owners here! bago lang ako dito sa forum and i find the discussions here very informative.

    i'd like to share to you guys na yung 97 tamaraw fx ko with 7k is averaging 9-10 kms/liter (unleaded) sa city driving (edsa) with ac on. Sa cruising naman is about 13-14 kms/liter naman with 5 passengers including me as the driver meron pang mga kargang pasalubong. stock ang engine as well as the carb jets.

    i would say na very reliable ang 7k engine at walang problema sa parts. kahit sa mga provinces ay nakakabili like contact points at spark plugs.

    yung basic tune up ay ako na ang gumagawa. dati tinatawag ko mekaniko ko for tune up pero natutunan ko na ring gawin kaya di ko na sya tinatawag. so far ay di pa naibaba ang makina even top overhaul. mileage is 70,344 kms at tahimik pa ang makina.

    here is my simple preventive maintenance program:

    1. air cleaner replacement - every 10 kms.
    2. fuel filter replacement - depende sa quality ng gas
    2. engine oil / oil filter replacement - every 3000 kms. (i use valvoline xld 20w-50)
    3. tune up every oil change. palit ng contact point at condenser mura lang naman ang mga yun.

    add ko na rin pala na malaking factor sa fuel savings ang driving habit.

    yung lang po. salamat po.

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    38
    #113
    My dad just bought a 12 year-old tamarraw FX. GL97 and Gas type. 8km/Liter lng pag nasa highway and 5-6km/Liter pag within City lang. For this type of car dapat by every 6 months tune-up? especially 12 years na sya sa first user? di masyado malamig ang aircon wla na kaya freon?

    Any suggestions will do. thanks.

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    38
    #114
    Stapraxedes, questions.

    Okay ba ang unleaded? Kase sabi ng first owner dapat daw yung special (currently we used shell super premium) kase medyo pangit yung tunog ng makina if unleaded.

    Secondly, ano ba specification ng jet na ginamit mo? try ko sana papacheck ng mekaniko yung nakakabit na jet at palitan. Magkano ba bili mo sa Jet?

    Third, 107K na kase yung mileage ng fx nung nabili namin this jun2 2009. ano suggestion mo duon sa frequency ng pagpalit ng fuel filter? special gas lagi ginagamit namin like the 1st owner instructed us.

    Fourth and last. Have u tried mixing the engine oil with oil treatment? may nabasa kase ako dito sa tsikot.

    Thanks.



    Quote Originally Posted by stapraxedes View Post
    greetings to all fx owners here! bago lang ako dito sa forum and i find the discussions here very informative.

    i'd like to share to you guys na yung 97 tamaraw fx ko with 7k is averaging 9-10 kms/liter (unleaded) sa city driving (edsa) with ac on. Sa cruising naman is about 13-14 kms/liter naman with 5 passengers including me as the driver meron pang mga kargang pasalubong. stock ang engine as well as the carb jets.

    i would say na very reliable ang 7k engine at walang problema sa parts. kahit sa mga provinces ay nakakabili like contact points at spark plugs.

    yung basic tune up ay ako na ang gumagawa. dati tinatawag ko mekaniko ko for tune up pero natutunan ko na ring gawin kaya di ko na sya tinatawag. so far ay di pa naibaba ang makina even top overhaul. mileage is 70,344 kms at tahimik pa ang makina.

    here is my simple preventive maintenance program:

    1. air cleaner replacement - every 10 kms.
    2. fuel filter replacement - depende sa quality ng gas
    2. engine oil / oil filter replacement - every 3000 kms. (i use valvoline xld 20w-50)
    3. tune up every oil change. palit ng contact point at condenser mura lang naman ang mga yun.

    add ko na rin pala na malaking factor sa fuel savings ang driving habit.

    yung lang po. salamat po.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    6
    #115
    same here. newbie lng rin ako dito pero matagal nko tumatangkilik sa forum (read-only mode nga lng). I used to own 96 Tamaraw FX GL with 7K engine malakas talaga sa gaso parang demetro taxi kumunsumo, sa maintenance nman wlang problema. Nabenta ko sya last February lng, then I started my quest to buy another FX (FX lover ata talaga ako eh). I recently acquired 94 Tamaraw FX GL with Original 2C engine ok nman manakbo medyo madami nga lng ipapagawa sa body. Medyo dko pa rin gamay makina Question nman po mga kapatid, kse naiingayan ako sa makina parang pampasaherong dyip ang tunog may nakapagsabi sa akin na ipa machine shop ko lng daw yung vacuum at magiging tahimik na tunog ng makina. totoo ba iyon? Nag aalala din kse ako bka mag bago minor at maging hindi na maganda manakbo sasakyan ko. Salamat in advance sa mga inputs nyo.

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #116
    *sherlabs03,
    ok naman gamitin ang unleaded gas. malinis ang makina lalo na sa spark plugs as per my experience, wag ka magpapakarga sa mga gas stations na alam mong binabaha. may halong tubig na kasi ang gas nila. at wag ka magpapakarga ng gas sa mga takal-takal sa kalye.. di mo alam kung ano quality ng gas nila.
    since mataas na rin ang mileage ng fx mo, suggest ko sa yo na dalasan mo ang pagpapalit ng langis. mapapahaba mo pa ang buhay ng makina mo. pede mo pa check din ang kundisyon ng valves kung malakas sa gas o mausok ganun din ang piston. malalaman naman ng mekaniko yan pag nagtop overhaul.
    stock pa rin ang jet ng carb ko. pede kang mag rejet kung gusto mo. kung liliitan mo ang jet ay hihina naman ang hatak ng makina lalo na sa arangkada. pero long distance mas matipid sya. but then syempre may epekto overall sa power ng engine. kung di ka naman mahilig sa "jack-rabbit start" siguro mag epektib un. try also other means kung saan ka makakatipid ng gas.
    add ko pa, kung mahina na lumamig ang a/c ng fx mo, malaking epekto yan sa fuel consumption. kung naka high ang setting ng thermostat at mahina lumamig then obviously laging naka engage ang clutch ng compressor which interprets as having more load sa engine kaya lalong kumakain ng gas ang makina. this is also true with diesel engines.

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    13
    #117
    Questions po:

    1. ano ang tire profile ng R15 and R14 na closest sa stock tire?

    2. ano ang range ng mags offset na pwede sa fx?

    3. saang specific store na around makati lang (pwede rin sa banawe) makakabili ng cladding (wheel well area) at magkano ang per piece price ng front and rear?

    Pasensiya po sa madaming tanong, baguhan kasi sa FX.

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #118
    tanong din po.
    during cold start (sa umaga po) na eexperience ko po eh hard starting at kadalasan eh nag fla-fluctuate ang rpm then mamamatay ang makina. ano po ba ang problema ng FX (7K). pero after mga 1 to 2 mins oks n naman ang rpm pati during running.
    then minsan din po after tumakbo ng saglit o long run hard starting din po pag galing sa off ang makina?
    tnks

  9. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    48
    #119
    Quote Originally Posted by arieslhon View Post
    tanong din po.
    during cold start (sa umaga po) na eexperience ko po eh hard starting at kadalasan eh nag fla-fluctuate ang rpm then mamamatay ang makina. ano po ba ang problema ng FX (7K). pero after mga 1 to 2 mins oks n naman ang rpm pati during running.
    then minsan din po after tumakbo ng saglit o long run hard starting din po pag galing sa off ang makina?
    tnks
    sir ganyan din sa FX namen..hard starting at tska pag pinaandar mo nang hindi mo pa pinainit ehh mamatay tatapakan mo pa lng clucth mamatay na.. pero sabi ng kapitbahay namen na FX owner din normal lang daw po un.

  10. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #120
    update lang po sa hard starting problem ko.
    nawala po ang problema nang after mag pakarga ako ng XCS ng petron.
    before kasi Total protec nang ma experienced ko yung problem.

Tamaraw FX Owners