New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #1
    ask ko lng mga guru, corolla 93 xe 2e engine car ko. pina timing ko distributor using timing light, naka set na sa 10degrees (nasa manual), nung niroadtest ko hindi maganda takbo, pag umarangkada ako pigil ang takbo, tapos inadvance ng konte medyo pigil pa rin takbo, inadvance uli, malaki na davance from 10degrees na nasa manual (malapit na masagad ang advance) road test uli, ayun umayaos na takbo. bakit po kaya hindi maganda ang takbo nung sinunod namin yung 10degrees na nasa manual? ang gusto po e naka advance? okay lang po ba na naka advance mabuti kung dun tumino ang takbo?

  2. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #2
    Quote Originally Posted by devond View Post

    devond,
    kelan ka ba nag-palit ng timing belt? baka kasi hindi naikabit yung belt sa tamang posisyon ng cam gear at ng harmonic balancer (na dapat nakatutok sa "zero")..
    Di mo talaga maitatama..kahit sundin mo yung nasa manual, pero kung di naman tama pagka-lagay ng belt..ala din effect..
    San ba location mo? Kung lapit ka lang sa Crame, I can give you FREE hands-on training sa corolla mo....

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    66
    #3
    Quote Originally Posted by macgyver1432000 View Post
    devond,
    kelan ka ba nag-palit ng timing belt? baka kasi hindi naikabit yung belt sa tamang posisyon ng cam gear at ng harmonic balancer (na dapat nakatutok sa "zero")..
    Di mo talaga maitatama..kahit sundin mo yung nasa manual, pero kung di naman tama pagka-lagay ng belt..ala din effect..
    San ba location mo? Kung lapit ka lang sa Crame, I can give you FREE hands-on training sa corolla mo....
    opps. Sir what do you mean na walang effect? Yung timing belt ba? Kung hindi tama napakabit na timing belt may kunting effect parin yon sir. Halimbawa ang orig na timing belt na replace may ngipin na 62 tapus nakabitan ng timing belt na may ngipin na 64 may pagbabago ang ikot ng cam gear nun at ng harmonic balancer but anyway base lang sa experyens ko since diesel engine nung pinalitan namin ng timing belt ng pick-up namin hindi kasi namin napansin hehehehe.

    Tama dapat talaga naka zero marking ng cam gear...

  4. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #4
    sir macgyver at mit94 hindi ko po alam kung naka zero marking ng cam gear ko, hindi ko po kasi alam na may ganon, wala po kasi ako gaano alam sa makina. paano po ba malalaman kung naka zero? kahit naka advance na po timing ko hindi pa rin ako satisfied sa takbo, parang bitin pa rin. kelangan pang bombahin accelerator para umarangkada lang ng mabilis.
    sir macgyver malayo po ako, probinsya po ako nakatira.

  5. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #5
    devond,

    try to check your engine by:

    1. open your cylinder head cover (2 turnilyo lang yan)...
    2. turn mo yung harmonic balancer, hanapin mo yung "tapyas" located sa gilid. may makikita kang "timing scale" dun..0..5..10. pagnakita mo yung tapyas, set mo sa "zero" ng scale.
    3. on top, makikita mo yung camshaft gear. may makikita kang 2 butas sa gilid ng gear.
    4. note: kelangan nakaposition yung butas: yung isa nasa kaliwa mo at yung isa nakaposition or naka-align sa turnilyong kinakapitan ng head cover..lalabas na parang letter "L" na baliktad: _ at I.. (baka malito ka ha)...
    5. kung di sya naka-posisyon ng pa-zero, yan ang dahilan ng problema mo.

    (wala ka munang gagalawin sa makina mo..pinapa-check ko lang muna sa iyo ito..)

    P.S. devond, yung sinasabi kong "walang effect"..means walang positive effect...

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    66
    #6
    Devond,
    Kelan at huling pina tune-up mo ang oto mo? Madami ka puedi i-consider bago epa adjust ang timing ng distributor ng isang oto? Nka vacuum type kasi ng engine mo? Unless may natangal na hose connected sa intake manipuled hindi mo talaga ma adjust ng matino ang distributor mo sa tamang specs & arangkada ng isang oto. Maigi i pa check mo sa expert mechanic kung may alam ka na kakilala.....Mahirap gumawa o magmekaniko ng hindi mo na intindihan ang prensipel ng makina. Baka lalo lang masira.

  7. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    42
    #7
    Mga Sirs, Newbie po ako dito. I must say this is an interesting thread. I just bought my first car-corolla 91 na may 2E engine and about to replace the timing belt kasi, kumbaga sa basic instinct ko, I feel na proper muna palitan timing belt before anything else lalu na kung wala ako idea kelan ito pinalitan. I would be very happy po and appreciative any feedback sa gagawin ko. how much would the belt cost? I inquired about prices dito samin sa mandaluyong mga nasa 1,500-1,700 and sa 2E. Is it satisfactory? I know pati mga tensioner at oil seals dapat kasama right?....Salamat po mga Guru's and more power sa Inyo

  8. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #8
    sir macgyver ginawa ko po yung pinapagawa nyo sa akin, bale po nakaharap ako sa mga gear (or belts), sinet ko po sa zero tapos nakita ko po sa camgear yung maliliit na bilog na butas, yung isa po nasa left ko tapos yung isa nasa tapat po ng turnilyo ng cover. tama po ba ang pagkakakabit ng timing belt ko? salamat po.

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #9
    sir mit94,
    noong october po huling tuneup ng makina ko, sabay po sa palit ng timing belt, tensioner bearing, piston ring, valve seal & guide. naalala ko na po na nag-umpisa tong problem ko mga bandang july, pinalinis ko carb ng auto ko. pero bago ko pinalinis maganda hatak ng kotse ko. may konting sinok kasi kya pinalinis ko. after nalinis ayun nagloko na, ginalaw rin kasi ng mekaniko pati timing ng distributor ko.

distributor timing