Devond,
Base sa description mo, tama ang pagka-kabit ng at pagka-set ng timing belt at gear. Sa 2E na makina, ang ignition timing nya ay 10 degrees BTDC (Before Top Dead Center). Paki-check mo kung lahat ng vacuum hoses ay mahigpit ang pagkakabit. Tapos. check mo yung mga high tension cables kung mahigpit ang pagkakabit sa distributor cap at sa mga spark plugs. Check mo rin yung cable na nasa gitna ng distributor cap at yung papuntang ignition coil.
Devond, ang paggamit ng mataas na octane ay kelangang i-advance ang ignition timing ng makina. "The higher octane rating, the slower the fuel burns". Ano bang fuel / octane rating ang karga mo?
Paki-check mo na rin kung gumagana pa yung vacuum advancer mo (makakabit sa distributor body)...sya ang nag-aadvance kapag matulin na ang takbo mo...
Paki-check mo na muna ang mga ito.then, feedback mo ako ulit...
NOTE: Wala ka munang gagalawin ha? hehehe
