New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 106
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #1
    Depektibo ang lahat ng TOYOTA REVO SR 1.8 EFI at dapat itong i-recall!
    By:TULFO

    Kung pagbabasehan ang reklamong natanggap ng SHOOT TO KILL mula kay
    Ben Ong at sa marami pang motorista, ang lahat ng de-gasolinang
    TOYOTA Revo SR. 1.8 EFI, automatic, ay dapat i-recall dahil sa
    designed problem.

    Ang problemang dulot ng factory defect na ito ay ang pagiging malakas
    at mistulang imbudo sa pagkonsumo sa gasolina ng nasabing modelo at
    ang fuel knock o tupi na kakambal nito'y hindi kayang i-repair.

    Ang pagkakamali ng Toyota, mabigat na nga ang kaha ng SR 1.8 EFI,
    dahil sa cladding na nakapalibot sa frame nito, binigyan pa ito ng
    automatic transmission. At dahil maliit lamang ang engine, hirap na
    hirap ang makina na patakbuhin ang unit at ang resulta ay ang
    pagiging malakas na konsumo nito sa gas.

    Ayon sa mga reklamong natanggap namin laban sa SR 1.8 EFI, pumapatak
    na apat na kilometro lamang ang naitatakbo nito sa isang litrong
    gasolina kumpara sa ibang kaparehong Asian Utility Vehicle (AUV) na
    gawa ng ibang manufacturer na tumatakbo ng hanggang dose na kilometro
    sa bawat litro.



    Pero ang pinakamatinding reklamo ng mga nagmamay-ari nitong mga
    depektibong SR 1.8 EFI ay ang palpak na customer service na
    ipinamumukha at ipinapatikim ng Toyota sa kanila sa tuwing sila'y
    magrereklamo.

    Ayaw aminin ng Toyota ang kapalpakan sa disenyo ng nasabing modelo
    dahil kapag ginawa nila ito, libu-libong unit ng SR 1.8 EFI ay
    kinakailangang isauli at bigyan ng kapalit na bagong unit at modelo
    ang mga nakabili nito.

    At kapag ito'y nangyari, daan-daang milyong piso ang malulugi sa
    Toyota. Pero ang pinaka-negative effect kapag ni-recall ang nasabing
    modelo ay magkakaroon ito ng matagalang epekto at tuluyang masisira
    na ang dating magandang reputasyon ng nasabing Japanese car
    manufacturer at magdudulot na ito ng pagbagsak sa sales sa lahat ng
    sasakyang gawa ng Toyota sa mga darating na taon!



    Sa kaso ni Ben Ong, binili niya ang kanyang SR 1.8 EFI sa Toyota UN
    Avenue at ang mismong General Manager at Vice President nito na si
    APOLINARIO SANTOS ang umamin kay Ong na siya raw ay namomroblema rin
    sa kanyang SR 1.8 EFI. Inireklamo rin ni Santos kay Ong ang pagiging
    imbudo sa gasoline ng kanyang unit.

    Ang remedyong ginawa ni Santos para sa reklamo ni Ong ay pina-check
    niya ang sasakyan sa kanilang service supervisor na si JOJO BUGARIN.
    Pero hindi naayos ni Bugarin ang problema kaya ipinasa ng Toyota UN
    ang reklamo ni Ong sa planta ng Toyota sa Cabuyao.

    Dalawang Japan-trained technician na sina BENJIE DIONELA at ROMMEL
    RAMOS ang nagtulung-tulong inspeksyunin ang sasakyan. Sa
    rekomendasyon nina Dionela at Ramos, pinalitan ang gas tank ng
    sasakyan ni Ong dahil ito raw ang may problema. Pero matapos
    mapalitan ang tangke ng gasoline, naroroon pa rin ang sakit sa ulo ni
    Ong sa kanyang SR 1.8 EFI.



    Dismayado na si Ong kung kaya'y iniakyat na niya ang kanyang reklamo
    sa Department of Trade and Industry (DTI) at nagpadala na siya ng
    sulat dito noong February 5, 2004. At noong March 11, 2004, lumiham
    kay Ong ang Toyota at hiniling sa kanya na dalhin ang kanyang unit sa
    kanila at kung maaari ay ire-evaluate daw nila uli ang kanyang
    sasakyan!!!

    Pero hindi lamang si Ong at ang General Manager at Vice President ng
    Toyota na si Apolinario Santos ang may problema sa kanilang nabiling
    SR 1.8 EFI dahil matapos kong maisulat dito noong nakaraang taon ang
    problema ni Ong, binaha kami ng e-mail at tawag sa telepono. Lahat ng
    nakipag-ugnayan sa amin ay nagsabing parehong-pareho ang problema
    nila sa problema ni Ong at ni Santos.

    Ang iba sa kanila ay nagsabing ibinenta na lang nila ang kanilang
    unit ng palugi para mawalan na sila ng sakit ng ulo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,398
    #2
    is there such thing as 'recall' dito sa pinas?

    sana naman magkaroon o maimplementa dito ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga consumers katulad sa Amerika.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #3
    any comments from Revo 1.8 owners here?
    Signature

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,848
    #4
    Hirap pala magkaroon ng Revo..Ganda pa naman ng features meron palang sakit sa loob...

    Oo nga dapat magkaroon ng batas para sa karapatan ng mga consumers katulad sa Amerika...

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #5
    Buti na lamang Diesel yung akin... tsk...tsk..tsk
    No wonder ang Classified Ads/buy & sell section bumabaha ng REVO Gas.

  6. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    9,989
    #6
    Toyota never claimed that the 1.8 liter gasoline engine is fuel efficient. I don't think that's enough reason for a recall.

    It's just another example as to how some personalities abuse the power of media.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #7
    Originally posted by Walter
    Toyota never claimed that the 1.8 liter gasoline engine is fuel efficient. I don't think that's enough reason for a recall.

    It's just another example as to how some personalities abuse the power of media.
    sino bang meron brochure ng revo? usually nakalagay sa description ng engine yung word na 'efficient'. lusot ang toyota kapag walang word na 'efficient' dun sa brochure.
    Signature

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,398
    #8
    maybe that's one reason kaya ipe-phase out na ang REVO name, papalitan daw ng pangalan ang AUV ng toyota starting january2005 according to an insider

  9. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #9
    baka naman Kijang ang ipalit hehehe

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #10
    what kind of fuel mileage would you expect from a puny 1.8 L gasoline engine partied with an automatic transmission?

    minsan di na nag-iisip itong si pareng tulfo..wala namang alam sa kotse yan!

    yan din ang problem ko eh..lakas lumaklak ng gasolina..haha
    Last edited by kiper; April 24th, 2004 at 03:10 AM.

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Depektibo ang lahat ng TOYOTA REVO SR 1.8 EFI at dapat itong i-recall!