Magandang Araw mga sir!

Kakabili ko lang po ng unit last week. Darating daw po mga November 1st week (Dapat December pa dahil sa color problem pero nag change ako para humabol sa promo nila na discount for previous toyota owners:D). Tanong ko lang po kung sulit siya sa pera na binayad ko. Minsan lang po ako lumabas at wala po akong pakealam sa looks o performance. Gusto ko lang po matipid sa gas at maihahatid ako kahit saan kong gusto. Ito po kasi yung nirecomend sa akin ng mga taxi driver kaya ito na binili ko. Downpayment lang po bayad ko di po full. (50% 1 year to pay). Last question po: ok na rin po ba yung features nito?

Salamat