mga sir, binuksan ko hood kanina lang to check all the fluids, habang naka open hood, naisipan ko istart makina, tapos rev ko ng konti, nabigla ako nung may umuusok sa may ibaba ng intake manifold ko! kapag nirerev ko lang ang makina chaka lumalabas ang usok. pero kapag naka idle wala naman po usok. hmmm.

ano kaya prob nito? sa makina kaya ang sira? or oil lang kaya yun na naiinitan ng makina kasi sumabog lang recently yung power steering pressure hose ko and nagkalat oil sa ilalim. ayos na din yun PS hose. pero pinagtataka ko lang is kapag ngrerev lang ako tsaka siya umuusok.

ngayon ko lang pala to naexperience, and umulan muna ng malakas, at pagtigil ng ulan dun nko ngbukas ng hood. possible din kaya na may nabasa lang? pero yun nga. kapag ngrerev lang ako nalitaw yung usok.

hindi naman po nagbabawas ng oil tsikot ko, and ok naman ang takbo at hindi nag ooverheat kahit long drive ako. ok pa din ang hatak ng makina, at maganda ang sunog ng spark plugs. ano kaya to mga paps? share naman kung sino nka experience na ng ganito. salamat salamat!