Meron po akong Taxi na 1996 Toyota XE Gas siya hindi LPG. Pinalitan ko na po ung timing belt, bagong top overhaul pero bakit parang hirap na hirap humatak.. Sabi nung mekaniko namin, sakal daw yung carb pero nung dinala ko sa kamuning ang sabi naman, ok lang daw yung carb kulang lang daw sa timing. So pina-timing ko ulit.. ok naman yung timing nya, pinacheck ko pa sa ibang mechanic ok naman daw yung timing. Nung una maganda hatak, pero mga 1 hr palang akong tumatakbo hirap na naman. Ang lakas din nya sa kunsumo, P1400 yung nakarga ko for 180 kms, parang malakas para sa 1.3 Engine.

Ang naiisip ko, hindi kaya talagang may problema yung carb ko.. kasi talagang hirap umahon at hirap humatak eh.. 2x ko nang pina-timing yung makina..help me naman po..salamat