The one in Quezon Avenue near pegasus is Subic depot or plus (not sure on the 2nd name of the shop). They are selling pick-ups and carry van. Medyo mahal yung van sa kanila coz the last time na nagtanong ako mga 200++.
Gawa Cebu as indicated on the sticker sa harap. Chariot ang brand.

Yung sa Sto. Domingo Church before rotonda is Starbilt ang name ng shop. They are also selling it a brand new Carry na gawa china 1000cc EFI, Donga engine. I think mga 400++ and additional cost ang paglagay ng Aircon pero dual AC ang ilalagay. But better go to del Monte sa dulo nun if your coming from Araneta Ave, left side sya located. I think dun ang official distributor dahil mas mababa dun kaysa sa Quezon Avenue. Don't know the quality though of the China made Carry van.

You can try Marcos Hi-Way katapat ng Robinson. Suzuki one ang name ng shop pagka lagpas sa Caltex station if your coming from Antipolo o nag U turn ka sa may Mcdo. (tawad ka lang)

Norkis in Mandaluyong(yung nagbebenta ng Legacy) sells reconditioned van and pick-up with a 660 engine at 200++. Additional 20+ for AC, Sanden AC with a 505 compressor ang ikakabit.

Or go to the tsikot car finder and look for scrum888 as he sells the van from cebu. Mga 160++ ang presyo nya plus add 6k if your going to have it transport sa Manila. May picture and discription din yun van sa car finder.

Then Subic and sa Malinta Auction baka meron din. Tawag lang.

Eto lang yung mga na research kong info nung naghahanap din ako ng van na carry. Ingat lang sa pagpili at mag sama ng mekaniko so hindi ka dehado sa pagbili. Bring magnet para malaman mo na hindi masyado makapal masilya nito.

Hope we can continue this thread in exchanging info on this van. Ok sya for city driving and matipid din. If your not a speed freak ok sya pang negosyo and family van. Ang sabi ng iba sa carry na bubble type kasya ang standard 9 balik-bayan boxes pag wala ang mga rear seats.

Baka lang taasan na presyo nito pag lumaki demand.

Hope this help you guys.