Good day po sa lahat!

noobie here, nabasa ko pa sa thread na may mga napadaan na sa NLEX in their zukis, Allowed po ba tayo don?

kasi meron po kame suzuki carry multicab sa province na gamit pang service, noong Linggo po ay binyahe ng kuya at dumaan sa NLEX, wala naman naging problema daw noong paluwas pero noong pabalik, hinuli po daw siya at bawal raw multicab doon. Eto po ay kiniwento lang sa akin at hindi ko alam kung ang humuli sa kanya ay yung Bwaya sa pag-labas ng exit o yung enforcer sa loob ng NLEX.

Confirm ko lang po, allowed po ba dumaan sa NLEX/SLEX yung mga suzuki carry natin? at kung hindi, ano po batas yun at ano dahilan?

plan ko din po kasi bumili ng suzuki carry na double cab for my personal service at kung pwede ay ebyahe pauwe probinsya once in a while. tnx!