
Originally Posted by
mangjose81
Eto boss based on my experience, yung dating Altis ko nung casa maintained pa sya, synthetic gamit, after 5 years, suking mechanic na ang nag-maintain, change oil lang naman eh. Nagkaproblema ako dati kasi nagka oil leak sya, so habang di pinalitan yung gaskets, nag mineral oil muna ko para di nasasayang synthetic oil, mahal eh. Wala naman ako naramdaman na pagbabago nung nag mineral oil ako. Ang pagkakaiba lang kasi ng Synthetic VS Mineral Oil, ang synthetic pwede sya pangmatagalan, sa CRV namen 10-15K Kms bago palitan. Sa Mineral Oil naman, 5-10K daw kaya. Eh mas mahal synthetic so nag mineral na lang ako, pareho lang naman hatak. Basta yung pag change oil eh dapat lagi on time kung gusto mo tumagal makina, regardless kung synthetic o mineral oil pa gamit mo.
To answer your question about sa 1st PMS mo, saken nag mineral oil lang ako kasi papalitan din naman after 5k kms.