Please help!!! Newbie here. Please bear with me kasi hindi ako masyado marunong sa sasakyan. Ang gamit ko ngayon is Suzuki Celerio 2017 Model Gen 2 Automatic. May nadaanan akong medyo malaking bato, nabutas yung oil pan tumagas ng malakas yung fluid. Nag-drive ako sa pinakamalapit na pwede pagdalhan (Shell) mga 500 meters away. Pagdating namin dun inasikaso naman kami agad. Bale ang gagawin daw si kailangan i-weld yung oil pan tapos papalitan daw yung fluid na tumagas. Umuwi kami ng maayos naman. Bale after ilang weeks nagkaproblema na yung sasakyan, may tumutunog and namamatayan na ko ng engine. Akala ko battery lang kaya nagpalit na ko ng battery, pero ganon pa din. So pinacheck ko sa kakilalang mekaniko. Nung chinecheck na nya yung kotse, nalaman namin na mali ang fluid na nailagay ng Shell. Instead of CVT Fluid ang nilagay nila is ATF. Imagine, almost one month ko yun byinahe. Ibinalik ko sa Shell, flinush nila tapos pinalitan ng tamang Fluid. Umuwi ulit ako ng maayos pero after ilang linggo nagloloko na naman yung sasakyan. Now, nag-iinit na yung kotse, may weird na rattling sound, malakas na yung vibration ng sasakyan and mas madalas ng mamatay yung makina. Gusto ko sana malaman kung ano yung possible na sira and ano kaya magandang step na gawin kapag ganito? Napascan ko na sya sa computer pero wala naman nadetect na related sa pagpatay ng engine. Nakaschedule na ko ng diagnosis sa Casa. Nagkacrowd source lang ako para alam ko yung gagawin ko and possible ba na mailaban ko to sa Shell if ever. Thanks