curious lang sir ako.. sira na daw yung pump and, according to your mechanic, wasak wasak na?
honestly, i think yung mechanic dapat ang pinalitan mo
with my little knowledge sa steering pump, wala pa ako nakita na nawasak loob ng pump itself except dun sa seals o bearing, but pwede naman ireplace those parts. mga masters, paki correctnlang ako...
anyways, pag squeeking sound, mas madalas fluid o belt ang problem, hindi yung pump.
1. for belt, maluwag kabit o hindi tama ang tension.. pag bago belt, dapat i readjust to spec yung tension after few km run otherwise mag slip yung belt at madali masisira dahil sa init..
2. for fluid, pag kulang or me hangin yung system, meron sound din madidinig.
kung ok yung level ng fluid but meron pa din, meron hangin pumapasok and the best thing to do is replace yung O-ring ng pump... ito ang madalas na problema ng honda pump, o-ring lang... kaya pag nakatyempo ka ng magaling na machanic (magaling mag interest para meron mabenta sa iba) sasabihin na sira na yung pump but actually isa o dalawang o-ring lang papalitan.. ang madalas na symptom nito ay may too much bubbles sa reservoir. of course, pag kulang o me hangin yung system, mabigat i steer yung wheel...
sana mali ang hinala ko...
