Natural lang ba na pag nakaincline ka nakatapak ka sa preno baba nang kaunti yung tapak mo ( Slide Down ) and if di ka alert pwede kang dumaosdos pababa.
Kapapalit ko lang nang mga pads sa harap at likod ganun pa din eh.
Have you tried bleeding ur brake system sir??? Usually when you change brake pads bleeding is a must para air in the brake system will be removed. One more thing pag bago ang pads dapat tataas ng konti yung apak sa preno, but then baka yung pads don't contact well with the disks. Have it checked uli. :-)
Originally posted by Ungas Gaano katagal ka nakatapak sa brakes while in an inclined position?
Pagnakababad kasi sa preno may tendency na magkulang ang hangin ng master, while your alternator is in idle mode.
i agree mawawalan talaga ng hangin yung booster pag nakababad ng matagal preno at di umaandar sasakyan. maigi pa kung wala kang handbrake ikambyo mo na lang sasakyan para di dumausdos pababa. pero kung umaandar sasakyan at bumaba pa rin apak mo sa preno maaring may konting leak ang brake system mo or may hangin talaga.
visually check mo brake system mo for leaks.........
Kung matagal kang mabababad sa incline position while the engine is running naman, use the park brake. Or rev up your engine above normal about 1.5k-2k rpm. Para may hangin napapasok sa master or booster. (toe-heel techinique)
1) masama may hangin sa brake system.. that's why you need to bleed it
2) pag may tagas ang brake master.. kung nakatapak ka. unti unti bumababa ang brake pedal mo.. if so.. get your brake master checked.. baka kailangan lang ng repair kit yan...
3) Kung matatagalan kang nakababad sa preno on an incline with engine runniing.. either use the parking brake.. or brake with your right toes and use your right heel to depress the accelerator.. to give some vacuum boost to the brake system... kung matic.. easier.. use left foot braking technic..
4)If you havent replaced your brake fluid for a long time.. do so... in time the brake fluid loses its properties and boils quickly in stop and go traffic.. this might cause you to have brake fade...
5) Check for leaks sa brake hoses mo.. baka nawawalan ka ng brakes kasi dun... check the brake hoses.. it may look good on the outside.. but already breaking down on the inside..(theveed has experienced this.. the brake sticks after braking)
Originally posted by HBOY
2) pag may tagas ang brake master.. kung nakatapak ka. unti unti bumababa ang brake pedal mo.. if so.. get your brake master checked.. baka kailangan lang ng repair kit yan...
...
5) Check for leaks sa brake hoses mo.. baka nawawalan ka ng brakes kasi dun... check the brake hoses.. it may look good on the outside.. but already breaking down on the inside..(theveed has experienced this.. the brake sticks after braking)
Sir;
Even in incline position bumababa ba talaga yun at matagal nakatapak? Hindi naman sya kaagad bumababa, kung matagal lang ang tapak and i check the brake fluid madami pa sya.
Kung hindi dapat kailangan siguro pa check ko master.
Honda Civic '97 model car ko. Bago na yung brake fluid nya.
Mga how much kaya magagastos ko dito? Pls. advise naman mahirap na mataga ulit. Isa kasi sa member nang isang car org yung may-ari nang napagawaan ko. **** sabi ko na nga ba eh.
Pag brake master kasi ang problema, dapat spongy or hard ang feeling ng tapak sa brakes nyo (or worse stuckup), pero if you really want to be sure you can have it checked. I'm not really sure kung magkano ang repair kit ng brakemaster cylinder for honda cars but you will need it pag binuksan ang master mo. Labor lang naman babayaran mo kung ikaw ang bibili ng repair kit.
Last time na nagpacheck ako ng hydrovac at master cylinder I only spent 350 pesos kasama na bleeding, repair kit, brake fluid, pati labor plus 50 pesos tip sa mekaniko.
Kung malapit ka lang eh DIY na natin yan hehehehehehe...........
baka naman what ur experiencing is normal... do u experince the same problem kahit hindi naka-incline auto mo sir?
kasi lets say ur stuck in traffic... naka depress ka sa brake pedal ng matagal... normal po ung bumaba yung pagka-press mo sa brake pedal kapag napatiyempo na nag automatic ang aircon compressor mo. as to what they've explained... bababa ang apak mo kapag at low idle speed... malamang naka idle ka(1,000rpm with aircon compressor engaged) tapos nag automatic aircon mo (idle lowers to around 800rpm) thus a much lower idle means
lesser hangin to your master cylinder...
from what you have told us, di ka naman nababawasan ng brake fluid, it just happens na bumababa sya when your idling, inclined or hindi, you can check if there is a leak sa hose mo from your vacuum to booster as what chick boy said.
pero the best sir have it checked na lang sa isang reputable na pagawaan (casa) or sa rapide para makasigurado. dun nagpapacheck ng brakes ang mga friends ko sa rapide. di ka naman tatagain dun (cguro hehehehehehe).