Patulong naman po mga tsikot gurus. Kaninang umaga nang pinaandar ko sa garahe yung starex ko, napansin ko na pag iniikot ko yung manibela, anumang direksyon, uugong at may konting vibration yung makina. May tunog din akong nadidinig (not sure where exactly it's coming from) hindi ko alam kung paano i describe pero kasing tunog ng naka engage na break at pilit na iniikot yung gulong.
Para masigurado na sa steering wheel ang dahilan ng kakaibang tunog, inatras abante ko siya at the same time steer. Confirmed nga na may steering problem. Nang bumaba ako, nakita ko sa ilalim ng sasakyan na madaming fluid na tumagas...apparently, tumagas siya habang atras abante ko siya.
Ano po sa tingin niyo ang sira niya? Posible kayang mahal ang aabutin ng repair kung sakali.
By the way, tuwing weekends ko lang ginagamit ito, at last weekend di ko siya nilabas. Related kaya ang cause ng problema sa di araw araw na pag papaandar sa kanya.

Thanks in advance.