Inquired in Shell & Petron in Taft Avenue area para sana sa change ng brake fluid pero wala daw silang service na ganito. May mairecommend ba kayong saan shops maliban sa gasoline station at casa?
Inquired in Shell & Petron in Taft Avenue area para sana sa change ng brake fluid pero wala daw silang service na ganito. May mairecommend ba kayong saan shops maliban sa gasoline station at casa?
At Toyota Otis, they used a siphoning system which did not require removal of the wheels for bleeding.
Kung DIY person ka, simple lang yan.
1. First method yung classic. Dapat may kasama ka na taga-press ng pedal tapos ikaw naman ang mag-lululwag ng bleeder screw.
2. Second method eh gawa ka ng DIY power bleeder. Dami nito sa google or youtube.
Kung hindi ka naman DIY type, dalhin mo na lang sa suking mekaniko mo at kayang kaya nila yan.
Wheelers Suspension Haus also has a "brake dialysis" machine.
Try Goodyear Servitek also.
Mga 350 ata... It's like a suction machine operated by their air hoses.
pwede din using syringe.
hanap ka ng malaking syringe, yung walang needle tapos dugtungan mo na lang ng tube.
pag naubos na yung sa brake reservoir, lagyan mo na lang ulit. same brand of brake fluid that was removed.
baka may mag sabi na hindi ito effective pero ito ang pinaka naging cost efficient samin kasi may taxi kami. since brand new unit, every 30000 kms kami kung magpalit ng brake fluid, until now (150000++ kms) hindi pa kami nagpapalit ng repair kit. brake pads and shoes pa lang ang napapalitan.
HTH![]()
Sa magaling na mekaniko mo dapat ipagawa yaan, kase ibe-bleed pati nya yaan para tama ang timpla ng tigas ng clutch at preno at ng hala mga bula sa linya.
* red advent 04 - "...para tama ang timpla ng tigas ng clutch at preno at ng hala mga bula sa linya." Sir, clarify lang pati ba tigas ng clutch ay lalambot pag nagchange ng brake fluid? Medyo matigas na rin kasi ang clutch ko eh mileage at 38k na.
easiest method kahit mag isa ka lang......... vacuum hose 1 meter in length and 1/4 inch in diameter 1 container or mineral water bottle yung maliit lang, ipasak ang vacuum hose sa bleeding screw dapat snag fit, yung kabilang dulo ng hose pasok sa loob ng bottle, dapat may konting liquid yung bottle, water or brake fluid will do, ang importante naka lubog ang dulo ng hose para di maka sipsip ng hangin, luwagan ang bleeding screw then pump the brakes hangang may matirang 1/4 na brake fluid sa brake fluid reservoir, top up ulit and hwag hayaang maubos yung brake fluid para hindi maka higop ng hangin, pump the brakes ulit hangang ma flush ang lumang brake fluid, higpitan ang bleeder screw and your done... tested [ame=http://www.youtube.com/watch?v=MfTmlOZbXgs]How to bleed brakes using the " One person " method - YouTube[/ame]
Checked with Wheelers Suspension Haus. 350 pa rin ang labor sa brake dialysis while sa Speedyfix ay 600 ang labor sa bleeding for 30mins to 1 hr. Wala daw ang speedyfix na brake dialysis na ginagamit. I'm guessing na mano mano ata ang pagbleed nila.
Bat kaya mas mahal sa speedyfix? Given these 2 prices, which service shop would you recommend? Pls help me to decide mga tsikoters. TIA