
Originally Posted by
hammerl
*LN106G oo nga sir pansin ko magkaiba ng kaunti yung cone shape ng luma kong wheel cylinder comparing side by side(yung luma). Buti hiningi ko hehe nang makalikot. Nung habang pinagmamasdan ko kung sino yung sira sa dalawa napansin ko ay nabutas yung rubber seal nung isang wheel cylinder kaya siguro nabasa yung buong drumbrake pati shoes at hindi na din nagana yung isang piston(na stuck). kinumpara ko din yung threads, yung sa nagana ok, pero dun sa nagka leak medyo sira yung threads. yung may sala siguro yung mas naunang naginstall ng old wheel cylinders na nag leak, hindi yung pinagpaggawaan ko this month.ang problema naman hindi sinabi sakin kung na loosethread na yung break line ng goodyear servitek pque(ibalik nalang daw pag nagka leak).
*dr.d sa facebook palang ako nagmessage sa Nissan.try ko yung sa website nila customer service kung may parts pa sila.
Yung nagpagtanungan ko dito samin na shop jp wheels center. Baka daw hindi nakalapat yung pagkakaayos o di kaya I-inspect para malaman kung sino yung may sira, yung line ba or yung thread ng wheelcylinder. may sinabi din yung manong mahal daw yung original brake line at meron nag fflare ng copper ayung nagdalawang isip tuloy ako, kaya nalimutan ko tuloy itanong yung presyo ng original at kung meron silang makukuhaan ng original. Pangit naman magpaggawa kung yung may tama yun line tapos copper lang ipapalit pag ininspect nila yung kotse. Babalikan ko nalang ulit sila at tanungin ko kung may stock silang mapapagkuhaan ng original brake line.
Oo nga pala Amoy pinagprituhan ng isda yung brake fluid na nag leak-__-