Gud day guys,

Tanong ko lang kung shocks kaya ang sira ng auto ko o Coil spring ???
Matandq ana kse ang auto ko 1993 Nissan JX, yung rear ang problema ko kse matagtag na sya at di na nag lalaro, pag napadaan ako kahit sa maliit lang na lubak ramdam na ramdam talaga at pag sa humps bumabagsak yung rear part at pag inuga mo sya sa likod halos ayaw na umuga or may play matigas na.

Dahil tight ang budget ko , gusto ko muna malaman kung alin ang sira bago ako magpagawa or gumastos, wala pa naman akong kilkalang trusted na gagawa non baka kung anu ano ang papalitan ns hindi pa naman dapat.

Isa pa nag canvass ako ng shocks na para don b13 rear yung brand new na KYB 2.5 k each, yung surplus 1k each kso walang warranty, rebuild naman sa Cruven or Zee ay aabot ng 1.3k each pero w/ 1 year warranty, ewan ko lang ang spring wala pa ako idea kung magkano, tight talaga budget ko mga bro, di ko na lang talaga matiis ang kalabog ng auto ko sa rear e.

Hope to hear your ideas para maayos tong auto ko ng di masyadong masakit sa bulsa.

THANK YOU mga bossing !!!