Tumawag din ako sa Autoplus kanina at baka sakaling may stock na sila ng Motul CRDI, wala pa din. May sinabi 'yung nakausap ko na may Motul din daw sila na mas mataas pa sa CRDI specific at puwede daw sa gasoline at diesel engines. Nagulat nga ako na puwede pala 'yun. Nabasa ko din sa Hyundai thread dito na 'yung Shell Helix na pang gasoline e ginagamit ng casa sa diesel engines nila kagaya ng sa Tucson. Nalito na 'ko tungkol sa langis hehe. Sir Arvin, please enlighten us
Sir LR, salamat sa tip tungkol sa Motul sa Balintawak Medyo nalayuan lang ako kaya 'di tumuloy hehe
May Motul CRDI akong nakita sa True Value Parksquare 1, medyo mahal nga lang, P2,500 4L. 'Yung nabili ko sa Autoplus kahit nung 'di pa ako member e P2,000 lang.
Sir TP, ano'ng Castrol ba 'yung okay? Saka paano po ba nalalaman 'yung peke? Nakakahilo sa dami ng variants tapos ngayon nalaman ko pang puwede 'yung gasoline engine oil sa diesel
Last edited by marlowem; November 17th, 2010 at 11:02 PM.
Reason: Typo