OK, so we don't have the best looker around. Pero saan ka pa hahanap ng fully loaded, true people carrier with reliable CRDi engine (at tranny/suspension), flexible seating, and a cargo capacity of almost 1 ton?

Not to mention cost doesn't come anywhere near 1.5M -- so we have more money for customization with a whole lot of change to boot!

Kung wala mang ibang meron nito dito, at least ma inform ko kayo about ours.

Matagal kami naghahanap ng pamalit sa Gen 3 Starex namin -- mahigit 1 year! Ang dahilan ay madami kaming hanap sa aming people/cargo carrier. Una, sawang sawa na kami sa itsura ng Starex na gen 3 kasi pangalawa na namin yun. Pangalawa, dapat matipid na diesel siya at may ilong (out na ang hiace). Pangatlo, dapat flexible din ang seating niya, comfortable, at kumpleto ng features at accessories -- siyempre value for money din (out na ang Gen 4 Starex). At lastly, dapat nakaka karga din siya ng cargo over 800 kgs for certain cargo needs.

Ayun, ang natira Grand Kia Carnival at itong Stavic. Ang problema sa Carnival 700 kgs or below lang ang karga at dahil pricey din yung 'Grand' version, na out na din.

So detalye na lang ang kulang sa Stavic. Ang problema isa lang ang kulay nila na gusto ko -- yung dark blue. Kaso, ubos na daw yung AT. Mabuti may MT pa. So after a bit of haggling yun na kinuha namin for less than 1.2M -- yung AT kasi plus 50K yata eh driver naman kadalasan gagamit.

So far, so good. Mas maganda daw ang ride niya kesa sa Starex namin and while the power is a bit less, so is the diesel consumption at 7.5 (Our Starex rates about 6-7).

The inital 2 service intervals are pretty affordable also at the casa for only 3K pero I heard yung 3rd daw is much higher at 10K ... ano kaya yun?

Sa laki ng natipid ko, nagpakabit kami ng 9.3" wide-screen DVD with TV Tuner na ang control ay nasa dash kasama ng CD/Radio HU.

Kayo, ano feedback (o tanong) ninyo?