New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 58
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #1
    sa mga dentists po dito saka sa mga may nakakaalam na rin.

    ung gf ko kasi magpapajacket dapat, kaso sabi nung dentists rebuild na lang daw kasi puwede pa naman saka mas mura ata. kaso nung tiningnan ung ngipin bulok na raw ung sa loob so kailangan ng i-root canal. tapos ayon ni root canal, kaso hindi pa natapos nung araw na un sa balik siya after 3 days. nung pagbalik niya hindi pa rin natapos so pa x-ray na raw baka may iba pang roots na hindi siya nakikita. ung pinakita ung x-ray madami daw nana. so ilang beses nanaman siyta pinabalik mga 7 times ata siyang pinabalik hindi pa rin natatapos. fully paid na siya hanggang don sa pag rebuild. kaso ngayon bigla sabi sisingilin na raw siya ng 250 per session kasi daw ang tagal. ngayon naka 3 times na ulit siyang balik. ung may bayad na, hindi pa rin natatapos. siguro nakaka 10 sessions na siya lahat-lahat. hindi pa rin tapos.

    matagal ba talaga ung root canal? saka kasi lahat ng nakakausap namin sabi masakit daw un. saka lagi siya tinatanong nung mga kakilala niya kung masakit daw. e wala naman nararamdaman ung gf ko.

    ganon ba talaga un? ang gastos din kasi nung weekly na 250.

    TIA

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #2
    Depende sa severity (di ako dentist, sanay lang sa RCT hehe)... Yung molar ko 5 sessions inabot, kada session almost 1.5-2hrs, esp the first few dahil sobrang sakit...

    Magkano ba inabot ng RCT mo? Akin 10K isang molar sa Lapid's Dental Clinic... Pero hulugan, meaning, binayad ko 2K each session lang dahil di ko kayang isang bagsakan hehe.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #3
    nag pa root canal na din ako plus crown...

    matagal talaga ang 1st session, di naman masakit, nakakapagod lang mag-open ng mouth....sleepy na nga ako...

    billing: per tooth meron daw 3 to 4 canals... so ang charging ng dentist ay per 4500/canal. hindi kasama ang crown (forgot) free naman mga xray shots..before and after...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #4
    According to my dentist, root canal really depends if there is still some infection going on. They need to make sure there is no more infection before closing the tooth. If there is some some infection left undected inside, it might lead to further complications including infection in the bone of the jaw.

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #5
    Mahirap pala magpa-root canal.

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #6
    ung gf ko kasi magpapajacket dapat, kaso sabi nung dentists rebuild na lang daw kasi puwede pa naman saka mas mura ata. kaso nung tiningnan ung ngipin bulok na raw ung sa loob so kailangan ng i-root canal.
    manlolokong mga ibang dentista (not all of them,but some do)(no offense intented here,but it's true)
    kasi noon ung front tooth ko meron nang cavity,pero di naman sumasakit. tapos pumunta ako sa dentista para ipa-pasta ung cavity ko, kaso nung pumunta ako doon sa dentista, tinanong kung sumasakit ngipin ko kung imiinom ako ng malamig na tubig. sabi ko naman:'di naman sumasakit, kung imiinom ako ng cold water'. tapos sabi nya, dapat daw ipa-root canal ko ung nabubulok kong ngipin dahil mai-impeksyon ung root sa loob ng ngipin.(most cases this is not true,unless 50-80% ng bulok)
    pero siguro mga 5 years nang me cavity ung tooth ko pero di naman sumakit o naimpeksyon kahit minsan. tapos ang suggest nya, ipa-root canal ko daw.
    so pinaniwalaan ko naman ung dentista dahil mga sixteen pa lang ako noon, wala pa akong masyadong kamuang-muang. so ang ginawa nya binarena ung luob ng ngipin mo, kahit meron anestisia medyo nararamdaman mo pa rin ung sakit. kaya ngayon itong na root canal na tooth ko ay discoloration sya, nagiging blackish ang kulay nya. kaya ngayon pag nagpapapicture ako, halatado ung blackish color ng ngipin ko. kaya di ako masyado naka-smile sa photo. kaya ngayon wala akong choice kundi ipa crown ko ung ngipin ko para mag-match ung kulay sa mga ngipin ko.
    one thing advice: kung meron kayong "small cavity lang" na di sumasakit,NEVER,NEVER,NEVER na ipa-root canal nyo. kahit 'insist' ng dentista. (believe me most dentist/doctors are businessmen,i had to admit) (no offense intented here, kung meron dentista/doctors dito sa forum)kasi meron disadvantages ang root canal:#1=mahal ang root canal #2=mamatay na ung ngipin nyo forever.(try to save it as much as possible w/o going for a root canal)#3=pag namatay na ung ngipin, in the future kailangan mo ng crown or porcelain (which is very expensive also)#4=pasta ay mas mura, u can save a ton of money and you will retain your original tooth/teeth.
    ================================================== ======

    tapos ayon ung , kaso hindi pa natapos nung araw na un sa balik siya after 3 days. nung pagbalik niya hindi pa rin natapos so pa x-ray na raw baka may iba pang roots na hindi siya nakikita. ung pinakita ung x-ray madami daw nana. so ilang beses nanaman siyta pinabalik mga 7 times ata siyang pinabalik hindi pa rin natatapos. fully paid na siya hanggang don sa pag rebuild. kaso ngayon bigla sabi sisingilin na raw siya ng 250 per session kasi daw ang tagal. ngayon naka 3 times na ulit siyang balik. ung may bayad na, hindi pa rin natatapos. siguro nakaka 10 sessions na siya lahat-lahat. hindi pa rin tapos.

    matagal ba talaga ung root canal? saka kasi lahat ng nakakausap namin sabi masakit daw un. saka lagi siya tinatanong nung mga kakilala niya kung masakit daw. e wala naman nararamdaman ung gf ko.

    ganon ba talaga un? ang gastos din kasi nung weekly na 250.

    TIA[/QUOTE]

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    287
    #7
    depende sa dentists talaga yan

    kung restorative ang dating nyan they'll make recommedations to really save the tooth i.e. root canal, laser etc

    old school dentists often drill big in cavities para matangal lahat ng sira and pasakan ng pasta

    new dentists are taught to be very conservative in drilling so you have more of the natural tooth supporting the filling

    why is this you ask, well cavities will errod over time and leak causing you to visit dentists again and have another session of drilling and filling

    rct session on the average 5 sessions including the crown/laser pa
    bigat pa sa bulsa kung porcelain ang crown

  8. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,113
    #8
    nakapagpa-root canal na rin ako. at depende nga talaga sa extent ng sira ng ipin. at inabot din ako ng ilang sessions. may times na masakit, pero may anesthesia naman sa unang mga sessions kung di bearable ang sakit.

    di ba si cutedoc dentist....antay mo rin input nya.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #9
    ganyan nga ang RCT pabalik balik...papatayin ang nerve at lilinisin ang loob bago isara..natatandaan ko sa akin meron pang inilalagay na liquid tapos isasara temporarily hanggang sa buksan ulit next session...everytime na bumabalik ako sa dentista ko may iniluusot siyang parang karayom at parang ini scrape nya yung loob ng ngipin...lalagyan nya ulit ng liquid solution tapos i seal nya ulit hanggang magkita ulit kami next session...one time nag leak pa nga at ang sama ng lasa...

    sa huli di yata crown ang inilagay sa akin...iba ang term nalimutan ko na he he...inabot ata ako ng 16k~20k

  10. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #10
    my brother is a dentist then pinabasa ko itong thread sa kanya. he said that root canal therapy is usually done nga if the tooth is severely affected by caries or infection as an alternative for extraction. Usually pag malaki na kasi sira tapos hindi na kaya i-hold ng pasta (which makes about 70-80% damage to the tooth) recommend nila na mag-rct kasi most often than not affected na yung nerve ng tooth. discretion pa rin ng patient as to what treatment he/she wants to have. kasi me mga treatment plans naman ipe-present sa kanya before anything is done. and yes, it's only natural daw na mag-discolor yung rct'd tooth after some time kasi the tooth no longer has nutrition (kasi wala na yung nerve), so alternative daw dyan is to either internal bleach the tooth after rct then match the internally-bleached tooth with pasta, or have it capped up with a porcelain crown. rebuilding of the tooth can be done just as long as the damage is not up to 80%, kasi it wouldnt hold as much pressure when the load of the food is higher daw.

    if you have any further questions daw, feel free to text him at 09209219336.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
dentists: question about root canal