Yung Asus Laptop yung battery light nakailaw pa din kahit naka off na yung Laptop nafull charge ko pa siya dito sa bahay pero ayaw mamatay nung battery light.
Nung dinala ko sa pinagbilhan ko ito mga ginawa
inupdate yung windows ayaw pa din
pinalitan ng battery ayaw pa din
pinalitan ng adaptor ayaw pa din
reinstall ng windows ayaw pa din.

After na naupdate yung windows blinking na yung battery light at ayaw na din ma full charge.
Yung icon nga kahit hindi naka plug yung adaptor naka indicate pa din yung plug pero not charging ang nakalagay..
Dinala na lang sa asus service center.
Meron na ba naka encounter ng ganito sa inyo na naka asus?

Thanks.