Quote Originally Posted by RakataK View Post
Sa mga nagbabalak magpakabit ng Globe DSL wag nyo ng subukan magngingitngit lang kayo sa serbisyo nila.

August last year nagpakabit ako ng DSL (2 mbps bundled with phone) Noong ikinabit ng technician nasa .33kbps lang nakukuha after 24 hrs. makukuha ko na daw yung "up to" 2 mbps. ok fine! hintay ako ng isang araw wala pa rin yung promise speed nila tinawagan ko na ang costumer service aayusin daw baka mali pagkakabit ng canopy pumunta ang technician hindi wala rin nagawa ganun pa rin after 3 days tawag ulit ako pumunta na naman ang technician as usual wala na naman nagawa tatlong buwan na hindi maayos-ayos kaya pull-out na nila yung modem at nag-iwan ng letter na "no fees to be collected". after 2 months heto na naniningil na ang potek na collecting agent ng globe kelangan ko daw bayaran ang 8,300+ na bill ko kung hindi idedemanda ako at ilalagay ang pangalan ko sa blacklist nila tinanong ko nga yung collecting agent na kung siya ang sisingilin sa hindi naman nagamit na DSL babayaran kaya? hindi makasagot basta bayaran ko daw. Then yesterday they texted me again reminding me of the bill dahil nasa korte na daw.

How to deal with this? ireklamo ko din ba sila sa NTC sa kapalpakan nila? or ignore ko na lang sila?
Bluff yung sa korte..

Kung nakuha mo account number, i-report mo at reklamo yung sales agent. Sabihin mo sinisingil ka sa serbisyong hindi nagamit, pruweba yung pinull-out na equipment at "no fees to be collected" letter..

Get the report#/reference number then ikaw naman mangulit sa pag follow-up.. Ang problema kasi baka ma blacklist ang name mo for unsettled accounts kung hindi mo ilalaban.

Puro kasi subcontracted na from sales, billing, restoration, kulang nalang pati quality assurance i subcon. Halos lahat naman ganyan, dapat lang alert ka at wag pipirma sa acceptance kung hindi mo nakuha ang tamang serbisyo during installation period. Then every complaint, have it documented, log the reference number as proof na nagkaroon ng problema..

Malamang demo unit yung naibenta sayo yung mga onsite benta. Usually pre-activated yun. Walang capacity kaya hindi na adjust ang profile ng bandwidth..