Hi guys gusto ko lang malaman kung Happy/satisfied ba kayo sa religion niyo and also your thoughts about it. No bashing please.

Ako muna since ako nag start ng thread. I'm a converted INC galing Catholic. Satisfied na naman ako at happy na din kahit sa una eh napilitan lang ako dahil kay misis at pasaway lagi. Regarding sa teaching ng INC hindi ako 100% agree gaya ng INC lang ang maliligtas at INC lang ang may karapatan sumamba sa Dios. Its a big no no for me. Agree ako sa sinabi ni Pope Fancis na kahit ano pa ang religion mo basta sinasapuso mo ang faith mo maliligtas ka/matutuwa ang Dios sayo.

Now sa famous 10% mandatory offering ng INC. Hindi totoo yun. More than a year na akong INC wala naman silang hinihingi para makaltasan ng 10% sweldo ko. Pero sa pag bibigay naman eh hindi lang isa kundi tatlo especially pag pasalamat dapat malaki ang ibigay but still its up to you kung magbibigay ka o malaki ba ibibigay mo.

Now bakit ang mga members ng INC ay sagana magbigay ng abuloy? Its because nararamdaman at nakikita namin kung saan napupunta ang inaabuloy namin. look at the INC churches, PH arena, endless evangelical mission, housing project etc etc. Mas willing pa nga ako mag bigay sa INC kesa magbayad ng tax dahil hindi maramdaman yung binabayad nating tax. Puro red tape at pagnanakaw.

Regarding sa bulk vote. Hindi ko iboboto ang gusto ng INC pwera nalang kung yung bet ko din yung ieendorse ng INC

Even though INC ako. Nirerespeto ko ang pininiwala ng lahat ng religion. Nakiki pasko ako nakiki fiesta etc etc so basically hindi ako totally nagpapasakop sa pamamahala ng INC.

Kung may mga members man ng INC ang makabasa nito alam ko magagalit kayo pero please Respect nalang. Peace!