New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 37
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    2,781
    #21
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    Round them all up



    BURN them.



    Start all over again.
    agree, ethnic cleansingv

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #22
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Ano ba ang main reason at corrupt mga government official. Kulang ba ang sweldo nila (pwede naman taasan) or talagang ganid lang sila sa salapi.

    it's greed man

    regardless kung private or public sector people are greedier than ever

    now it's no longer enough to be a millionaire

    kailangan billionaire

  3. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #23
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Ano ba ang main reason at corrupt mga government official. Kulang ba ang sweldo nila (pwede naman taasan) or talagang ganid lang sila sa salapi.
    i think it is already in their system... and or mentality ng mga (hindi naman lahat) pumapasok sa govt. eh... yung UNDER THE TABLE....

    BEFORE PALANG SILA PUMASOK dyan... ayan na agad ang nasa isip nila...

    dapat talaga.. ALL OUT WAR ang gobyerno natin pag dating sa mga corrupt!!!!!!

    ANG PROBLEMA LANG dapat MAG UMPISA yan sa PINAKAMATAAS NA POSISYON...

    IF YOU cannot see any changes... it means lang kasabwat yung pinaka PINUNO....

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #24
    it all comes down to the individual

    kung ambisyon mo yumaman huwag ka sa public service

    doon ka sa private sector mag negosyo ka

  5. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    1,363
    #25
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Ano ba ang main reason at corrupt mga government official. Kulang ba ang sweldo nila (pwede naman taasan) or talagang ganid lang sila sa salapi.
    Absolute power,corrupt absolutely

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #26
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Ano ba ang main reason at corrupt mga government official. Kulang ba ang sweldo nila (pwede naman taasan) or talagang ganid lang sila sa salapi.
    yan eh kung lulusot, lulusot.
    sabi nga nila, money is the root of all evils.
    meron din ganyan sa private sector. hindi lang sumasabog.
    may mga clients kami na humihingi ng 10% for every server na binibili nila.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    664
    #27
    this way of thinking is relative
    "every problem contains within itself the seeds of its own solution.” -stanley arnold
    same people curbing its own corruption using traditional means is akin to asking the sick to heal itself


    now this one's better
    "we can't solve problems by using the same kind of thinking we used when we created them." - einstein
    how about we sell the whole country and its people to let's say uncle sam. not bad becoming the 53rd after puerto rico.
    tempt merkel enough after election and she might like to have a german foothold in asia. how about france- oohlala they love to have fun.
    probably turn over luzon & visayas to the mindanaoans and malaysia or singapore and possibly brunei might take a peek. consider china or japan as well...
    if you worry about losing face and identity, i travel alot and i see a pinoy having more than one face and an identity. he's pretty secure i assure you.

  8. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    805
    #28
    "The tree of liberty must be refreshed from time to time with the blood of patriots and tyrants." - Thomas Jefferson

    Sent from my mind using Telepathy 2

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    374
    #29
    Eagle Eye

  10. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    107
    #30
    Quote Originally Posted by badkuk View Post
    Corny na kung corny, but at the root of it all, we have to regain a sense of national pride -- in this context, to hold ourselves to higher standards that is expected of being Filipino, a sense that this country is too good to got to waste by selling our votes, by letting corruption run rampant for so many generations.

    Quite frankly i don't think that will happen anytime soon. imho we lost that pride a long long time ago.
    agree.

    here's a poignant piece from the web:

    http://www.nobystanders.net/2011/06/...o-ng-****.html

    Tingin ng mga bobong kapitbahay ko **** daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

    Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.

    Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

    Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coņotics. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

    Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

    Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

    Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

    Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

    Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa *******ng kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

    Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

    Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

    Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. **** na kase ang isang magandang tulad ko.

    Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking *******ng puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

    Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

    Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

    Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

    Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

    Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

    Pilipinas nga pala.
    ---

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast

Tags for this Thread

What Can We Do About Our Corrupt Government?