New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #1
    Dati si Gordon ngayon si Revilla... payag ba kayo..

    www.abante-tonite.com

    [SIZE=4]Watawat ng ‘Pinas gustong i-makeover[/SIZE]

    Kasabay ng ika-113 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, minungkahi ng isang senador na baguhin ang watawat ng Pilipinas bilang pagkilala sa mga Pilipinong Muslim na tumulong para makamit ang kasarinlan ng bansa.

    Ayon kay Senador Ra­mon ‘Bong’ Revilla Jr., napapanahon na bigyang-kredito ang mga Filipino Muslim dahil sa kanilang kagiti­ngan at katapangan laban sa pananakop ng Kastila.

    “Kaya nararapat lamang na maipakita ang pagkilalang ito sa pamama­gitan ng pagbibigay sa kanila ng kaukulang representasyon sa pambansang watawat,” ani Revilla.

    Ilan umano sa mga ba­yaning Filipino-Muslim na magiting na nakipaglaban sa mga Kastila ay sina Muhamaad Ul-Halim at Datu Ache na nagkaisa para labanan ang pananakop ng mga Kastila sa Sulu.

    “Bilang pagpupugay sa kanila at sa iba pang kapatid nating Muslim na lumaban sa mga dayuhang mananakop, dapat lang na ang kanilang kontribusyon sa pambansang kalayaan ay simbolikong itatak sa ating bandila,” ani Revilla.

    Dahil dito, inihain ni Revilla ang Senate Bill 2691 na layong amyendahan ang Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

    Sa ilalim ng panukala ni Revilla, isang sinag ang idaragdag sa orihinal na walong sinag ng gintong araw sa pambansang watawat bilang simbolo ng mga Pilipinong Muslim na lumaban kontra sa pananakop ng mga Kastila.

    “Sa simbolikong paglalagay natin sa ating mga kapatid na Muslim sa ating bandila, binibigay natin sa kanila ang tamang lugar nila sa ating kasaysayan,” ipinaliwanag niya.

    Pinunto pa ni Revilla na ang ikasiyam na sinag ay magpapatunay lalo na talagang pinahahalagahan ng pamahalaan ang mga Pilipinong Muslim.

    “Sa pagdiriwang natin ng Araw ng Kalayaan, alalahanin natin ang ating mga ninuno na lumaban para makamtan natin ito at kabilang dito ang ating mga kapatid na Muslim,” dagdag nito.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,096
    #2
    advance naman masyado si Revillas para sa election

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #3
    dapat naman talaga irecognize din yung roles ng ating muslim brothers para sa independence ng pilipinas. Hinde lang naman yung 8 provinces ang nakipag laban.

  4. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #4
    hehehe..papapogi agad layo pa..

    tsaka pag nangyari yan simpleng kurakutan na naman dahil 9 na yung silahis ng araw.

    palit passport
    palit ng letterhead at sobre sa mga government opis.
    palit na rin ng pera
    palit resibo
    mga watawat sa lahat ng pasuguan at ahensya ng gobyerno.

    naku dami maapektuhan

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #5

    Ang hirap i-drowing iyan sa assignment ng mga bata sa iskwela...

    13.5K:handinhand:

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    927
    #6
    Gotta get that Filipino-Muslim vote!

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #7
    Ano ba naman yan,mas madami kayong dapat pagtuunan ng pansin na mas makatutulong sa tao...

    sa pagdagdag ng isang silahis ng araw, giginhawa ba buhay ng mga kamusliman sa Mindanao? bakit di pagkukunan ng ikabubuhay ng mga iyun ang unahin nyo???

    papogi lang e....sun and the beach!!!

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    wala bang senate debate about diyan?
    gusto ko lang makita i-defend at makipag-debate itong si bong revilla.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #9
    Kulang sa pansin...

  10. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #10
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    Ano ba naman yan,mas madami kayong dapat pagtuunan ng pansin na mas makatutulong sa tao...

    sa pagdagdag ng isang silahis ng araw, giginhawa ba buhay ng mga kamusliman sa Mindanao? bakit di pagkukunan ng ikabubuhay ng mga iyun ang unahin nyo???

    papogi lang e....sun and the beach!!!
    +1, more important things to do. And AFAIK, no muslim community is complaining naman eh. Kung meron man, relax lang. Hindi gaganda buhay natin dyan.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

Page 1 of 2 12 LastLast
Watawat ng Pinas Balak Baguhin