New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 21 to 28 of 28
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #21
    samin dati rin bata lng ngayon may matatanda na.. kaya tuloy para akong nagpagasolina kahit d ako umalis ng bahay..hehehe

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #22
    ...
    Last edited by Satio; December 23rd, 2005 at 03:59 PM. Reason: double post

  3. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #23
    pag mga bata na sa kalye nagkakaroling ndi ko binibigyan ng kahit ano maliban sa sermon. sinasabi ko na sa bahay bahay ang karoling at ndi sa kalye. mahirap na talaga ang buhay at kahit dito sa probinsiya eh marami nang batang kalye.

    tapos minsan parang nakapila pa sila. kunwari may ginagawang iba pero inaantay lang nila matpos yung ibang bata. tapos kahit tumawad (ndi magbigay) ka na dun sa unang bata eh pipilitn pa din na kumanta yung nag aantay sa harap mo. eh ndi mo nga binigyan yuung nauna sa kanya.

    ang pinaka ok sa lahat eh yung mga bata, since sa kalye nga ang karoling, ndi nila naalala yung mga nagbigay na sa kanila. kakantahan nila yung mga taong nakarolingan na nila pag sa ibang lugar nila nakita. ayus talaga!!!

    merry christmas!!!

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #24
    [I] sa akin hindi,pero sinasabi ko sa kanila na mag balik sila nang 24-dec.at doon ako magbibigay.kasi pangit naman at maraming magagalit sayo,baka mamaya eh batuhin pa ang bahay mo! mas mabuti na yung kausapin nang maayos para walang magalit at tuparin ang pangako kung bumalik,total pasko naman at minsan lang sa isang taon mag carolling sayo...

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #25
    Napansin nyo ba kung merong ekis sa harap ng gate ng bahay nyo? Mina-markahan nila ata yung mga bahay na nagbibigay at hindi nagpapatawad.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #26
    di ko pinapatay ilaw but i turn on my spotlight nakatutok sa gate...

    anyway, once a year lang naman mangyari ito at masarap din naman feeling pag nagbibigay kahit magkano lang... tapos kakantahan ka ng TENNNNK YU, TENNNNK YU, ANG BABAIT NINYO, TENK YU !!!

    madami din kami sobre natatanggap sa bahay for solicitations pag pasko.. basurero, bgy tanod, SK(youths), pabingo ni kapitan, barangay christmas party... andameeee

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #27
    Kagabi nga, may nag-caroling pang brass band sa amin. Alas nuwebe na ng gabi yun, ha! Akala ko nga may santacruzan eh.

  8. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #28
    Sa amin, di na tumatapat sa haus yung mga bata coz they already know na may PALARO kami para sa mga kids on Christmas Day mismo, as in pag nakita ng ibang bata na may tumatapat sa amin, ibang bata na nagsasabi sa Pasko kayo bumalik...and every year we make it a point na masaya talaga mga bata sa aming lugar...afterall ang Pasko ay para sa mga bata naman talaga!

    Pero for this year, we moved it sa New Year's Eve na kasi nag-duty sa office ako last Christmas, katakut-takot na apology ginawa ko sa mga bata...sabi ko di bale sigurado yun na ang pinakamasaya.

    Also, pansin ko lang, ang dami haus-to-haus ngayon with matching sobre na di mo alam kung cno o saan galing. Isip ko na lang hirap talaga mabuhay ngayon.

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Pinapatay nyo ba yung ilaw pag may nagka-CAROLLING?