Coming from someone who previously rode the MRT twice a day, five days a week, karamihan sa kilala ko ayaw sa kanya. Kung alam niyo lang hirap namin, 6:30 pa lang ang pila sa Trinoma haba na. May ilang beses umabot na sa taas ng footbridge papuntang SM North. Ilang beses din akong dumating sa opisina ng 11am (8:30am) sira mrt, at napilitan akong magbus dahil trapik. Yung pila sa gabi na paikot ikot at sobrang init grabe talaga yun.
Ilang beses na rin akong nakauwi ng 11 ng gabi at di nakapasok ng sumunod na araw dahil sira mrt at walang masakyan. Ilang beses na rin akong naglakad sa riles o kaya ibinaba sa cubao or ortigas dahil sira tren. Wala akong choice kung hindi magtaxi dahil late na naman. Nasubukan ko rin gumastos ng 800 a day para mag uber. Kasi no choice. Mawawalan ka ng trabaho kapag hindi ka pumasok o parati kang late.
Yung hirap na dinanas namin na hanggang ngayon ganun pa rin. Ang masaklap pa kasi nung nasira yan dati sinisisi pa sa dating administrasyon. Tapos biglang taas pasahe. Alam naman natin na dapat talaga magtaas, pero mali ang pasok. Kung kelan sira dun pa nagtaas.
Nung buntis asawa ko at dun ako sumasakay sa pambabae, kawawa mga tao dun. Sira aircon, at tinutulak tulak lang mga buntis. Sa awa ng Diyos nakabili na rin ng sasakyan at di na ako sumasakay ng mrt pero tuwing umaga kita pa rin ang pila pag dumadaan ako ng trinoma at qave.
Yung mga bagong tren tagal ng pinangako darating last year pero kelan lang dumating? Magagamit daw end of March pero anong petsa na? Halos lahat ng kaopisina ko na gumamit at gumagamit pa rin ng MRT hindi iboboto si Roxas. Pati mga boss namin na naapektuhan dahil sa parating late mga tao ganun din.
Kaya inis na inis kami kapag parati niyang binibida yang dumating na tren na hindi pa rin naman nagagamit hanggang ngayon. Hoy Mar di yan achievement.
Yung mga statements dati ng Malacanang na parang iniinsulto pa mga MRT riders na subukan magbus. Kapag sumakay ka ng bus at umalis ka ng 6:30 sa Trinoma,10am ang dating mo dahil sa trapik at paghinto hinto nila.
Hindi kami reklamador. Subukan niyo sumakay ng MRT araw araw tapos wala kayong choice kung hindi sakyan yun dahil malalate kayo sa trabaho. Malaki ang epekto ng pagkasira ng MRT sa mga empleyado.
Maraming nagawa ang administrasyon ni Pnoy. Pero marami ring hindi. Isa na yang mrt na yan. At wag ng sisihin dating administrasyon, kasi kasalanan pa rin nila na hinayaan nilang umabot sa ganyan.
Sir if i may. Rode the mrt daily 2008-2011 when i was still starting out. Cubao/ortigas-ayala daily. Lrt naman 2012. Normal 8-5 work. Not bragging pero d mauubos daliri ko kung bibilangin ang late. A few mins makes a lot of difference. Dati if before 630 nakasakay na kahit anong mangyari aabot ako sa opisina before 8 kahit d pwede mrt at naforce magbus. Pero if after 630 na yari na. Kahit anong tumbling kahit taxi pa maaga na yung 9am na makakarating ng ayala. E di i endeavor to reach that target para d malate magkaproblema man. What im trying to say is if waking up a few mins ealier can make your life less miserable, why not do that kesa sa doing the same things daily and suffering the consequences daily? Of course may kakulangan govt pero arriving late sa work is not all their fault. Parang d lang tama na tinitira govt na sinisisi si gma sa lahat ng problema pero ang mga tao naman lahat sinisisi sa govt lahat ng problema nila. Lets do our part, yes?
Sent from my LG-D855 using Tapatalk
Meanwhile this morning along EDSA
Coconuts Manila
Page Liked · 21 mins · Edited ·
Sharing how the MRT was like at 6am. What a way to start the week! Kamusta naman ang umaga niyo po? Photo taken near Ortigas-Santolan.![]()
Last edited by Monseratto; April 25th, 2016 at 08:03 AM.
^yeah and Nakabili la na ng kotse, relatively nag improve buhay mo from before. Without a doubt from your hard work but partly from the strides this admin made, making sound fiscal decisions, improving country's fiscal health...Kaya more and more people now can afford to buy cars, houses...
So you benefited from this admin. [emoji1360]
Sent from my iPhone using Tapatalk
Last edited by shadow; April 25th, 2016 at 12:31 AM.
Nah.... Hindi dahil sa admin na ito yun... Kahit naman iba administrasyon yun ang normal na magiging takbo ng buhay basta may sipag at tiyaga... Subukan niyo sabihin yan sa trinoma station, sa mga sumasakay dun sa umaga at sa ayala station sa gabi, baka di kayo makalabas ng buhay. Hehehe.
Ganyan kasi ramdam ng daang libong sumasakay ng mrt araw-araw. Di pa kasama mga sumasakay ng bus at mga iba pang walang sasakyan.
Alam ko maka Mar Roxas kayo. Mukhang ok siya kita naman sa mga performance siya sa debate. Siya pinaka qualified kung hindi lang me sakit si Miriam. Pero nung nilagay siya sa trabaho, na mas maliit pa sa scope ng pagkapangulo eh pumalpak. Baka naman pag pangulo na siya eh kada kapalpakan eh sisi na naman kay GMA.
di ba lalong mas mahirap kung walang MRT?
huwag mong isisi sa tao na sabi mo PANSAMANTALA lang na nanunungkulan bilang secretary ng dotc.
it was al vitangcol, the former general manager of MRT, who awarded the maitenance contract to PH trams whose one of the board of directors is his uncle-in-law. this is the reason why he was indicted by the ombudsman.
kung lahat na lang ng tao kagaya ng pag-iisip mo talagang hindi uunlad ang bayan natin.
SWS survey April 18-20 (Rape Joke factored in)
Duterte 33%
Grace Poe 24%
Mar Roxas 19%
Jojo Binay 14%
Miriam Defensor Santiago 2%
undecided/others 3%,
The problem of MRT is not that simple na ayaw Lang bumili ng govt ng new trains ang inaayos ng admin is yun root cause, which is the contract that was signed by the previous admin which govt can't get out of.
From what I understand the contract was disadvantageous to the state, ang alam ko on the original contract tuloy and maintenance nun contractor but govt don't want that. Now the contractor went to the court and this made govt hands tied.
Remember nag sign sila ng contract few years back ng new contractor just to do the maintenance? Short term.
Ngayon when they bid out it out pumasok naman itong si vitangcol at ng uncle niya.
Plus another thing na MRT is running at a lose. Dahil Hinde pinayagan ni GMA yun fate increase on her last year para bumango siya.
Ang nakakaloko pa yun past admins I don't know who when they built the MRT ibang spec pa ng coaches from existing LRT Kaya Hinde pwede humiram doon para ilagay sa MRT.
Ang alam ko diyan Kung ilan lines ng train system (MRT, LRT) ewan ko Kung meron pang iba. Pero iba-iba specs ng coaches Nila .
As for the new trains na dumating Hinde naman nabibili yan sa sari-sari store. Hinde naman off the shelf yan. Ang daming dadaanan process bago makabili Kahit ma fast tract pa red tape ng govt pero pag dating sa factory ng train ganun pa rin meron waiting time dahil they have to customized everything for us.
Yan ang Hinde maintidihan mo at ng mga tao. What this admin is doing is solving each and every problems from the inside, holistically so to speak. Ayaw Nila yun ginawa ng past admins puro temporary lang para meron maayos kuno during their term tapos pag alis nila ang laki pala ng problema
Sent from my iPhone using Tapatalk
The difference roxas is not yet the president, he can only give advised to the president and and its up to the pres if he will follow it.
Nobody's saying perfect itong admin and the daan matuwid has many flaws
But what where trying to say we're on the right tract.
No doubt about it there's still a long way to go.
Sent from my iPhone using Tapatalk
Basehan na pala ngayon sa pagpili ng pangulo ang mrt at trapik sa edsa. ..
So kahit sira ang international relations, pagnakawan ang mamayan, isuko sa Tsina ang teritoryo ng Pilipinas basta okey ang mrt at walang trapik sa edsa ayos lang.
BTW, been an mrt rider for the past 15 years.
Tapatalked