Hello, my car emits bluish smoke pag start then mawawala after few seconds. The manipis na usok will appear again only when you hardly rev the engine, pag idle wala usok kahit konti, malinis. Kinalas ko yung air passage assembly galing air cleaner para masilip ko yung loob ng mismong intake chamber. Ang tinutukoy ko po ay yung sa may trottle na, binuksan ko throttle by pulling then using flashlight nasilip ko yung loob ng intake chamber, malangis po sya. Isinoot ko rin ang daliri ko para kilatisin, napahid ko po ay malagkit na itim, oily nga sya.

Saan po nanggagaling yung langis na anduon, i expect na dapat eh dumi or alikabok lang mapapahid ko dun sa loob kc air intake yun pero bakit po kaya oily? At ngayon, i conclude lang na baka kaya may manipis akong usok kc if that portion is oily, possible na mahigop yun oil na andun papuntang combustion chamber kaya uusok. Tama po ba ang analysis ko? Please advise naman po, ayaw ko po munang ipakalas at ipa overhaul ang makina ko kc ok naman po ang andar eh. Isa ko pang observation ay bumababa ang idle sa 800 rpm pag naka ON ang AC. 1000 naman po ang rpm pag idle..pino naman po ang takbo ng corolla gli 93 ko...malakas pa rin humatak....gas consumption is 13km/L using Vpower sa long drive, mga 9 to 10km/L naman po sa city. Aasahan ko po ang inyong comment ha mga experts.....mabuhay po kau.