Quote Originally Posted by mm15744 View Post
kbr, emong, thanks sa inputs nyo. But if you listen and drive my car, top overhaul looks like not yet needed. Ang lakas humatak ng car, my last sp plug last for 4 years walang palitan di man lang napundi,pero nagpalit na ko last christmas kahit di pa rin pundi. Mga tropa drove it and my car earned lots of papuri sa lakas ng makina at very responsive daw, at ang kinis daw ng tunog. Sabi nga ni mrs ko, ako lang daw etong masyadong namomroblema. Sa pagbabasa ko d2 sa thread sabi nga anything like this (very manipis na bluish smoke at very high rev and at start up) is not normal in which i agree.

So ganito ginawa ko i-update ko lang kayo. I went to a reputable shop d2 sa lugar namin, they are group of toyota mechanics (from TOYOTA) na nagtayo ng sarili nilang talyer (5 years in operation na sila), they are known good talyer for toyota engines.

I brought my car, the owner said..."normal lang yan sa mga gli...basta nawawala pag mainit na, dont much worry about it. DI yan basta masisira corolla gli yan eh, matibay yan" sabi sa kin. Then i personally ask the mechanic, he inspect the new spark plugs and also my old spark plugs which i kept. He told me, looks like your valve seal is deterioated a bit but tolerable. Sabi nya possible na your seals get expanded pag umiinit na kaya nawawala smoke after few seconds na start na ang engine. Hindi pa daw nagpupundi ng sp plug yung makina ko kc mild pa lang daw yung problem ng valve seal, he also commented, it is also possible na wala sa timing yung engine kaya di nasusunog lahat ng gas. Tiniming nila yung engine, may nilagay na jumper sa diagnosis (connectado yata yun sa computer box)..then tune up tune up nila, inikot ikot ang distributor while diagnosis sockets has jumper, ito yung nasa instruction sa ilalim ng hood ng kotse..

Kaninang umaga, i start my engine...wala na syang smoke at start up...subukan ko mamaya i-hi rev kung may smoke pa. i drove for few meters, mas lalong gumada andar after ma tune up.

KBR, ano itsura nung PCV? pwede ko bang i DIY ito? Yun din sabi ng mechaniko rgding intake oil residue, ganun daw talaga yun galing daw kc sa case sa ibabaw.
nice! buti nalang na dinala mo sa isang reputable na shop na expert sa Toyota! at tama naman ang sinabi nila

also, the PCV valve is located by the Valve Cover. parang air tube lang ito na may bulitas sa loob, diyan kasi dumadaan ang ang hangin (crankcase pressure) mula sa loob ng makina. anywayz, malalaman mo na stuck-up na ang PCV pag hindi gumagalaw ang bulitas sa loob. pwedeng palitan to ng bago, or linisan mo (using a carb or brake cleaner *if theres available* or simply clean it by dipping it in gasoline <-- Philippine style!! hehehe)


aite, peace.