Quote Originally Posted by boyksworld View Post
sir good day. i applied for car loan mitsubishi mirage g4 2018 MT and it is already approved then the dealer suggested that to have my unit undergo rustproofing worth 6k and paint protection worth 4k since he knew that im leavinv near the sea abot 300m from the shore..do i need to have rustproofing? wud like to ask ur opinion sir..thank u
Ang tanong dyan is gaano mo katagal balak maging owner nyan bibilin mong 2018 Mitsubishi Mirage G4? 10 years? 20 years? Yung layo mo na 300 meters sa dagat ay sadyang malapit yan. Araw araw ang simoy ng hangin ng dagat. Nung araw meron ako classmate from Navotas na masasabi kong sobrang alaga at ingat sa vehicle nya. Ganon pa man nakakakita sya at ako ng portions/spots sa body panels na nagsisimula ng lumobo yung paint at suspect namin meron ng rust na nag develop sa steel. That time 11 years old na yung vehicle nya. Tungkol sa ilalim ng vehicle nya, hindi namin masabi at that time kung meron na din rust kasi di naman kaya silipin yung ilalim ng ganon-ganon lang unless itaas ng lift sa body shop.

Bottom line dyan is kung meron ka din naman budget for undercoating and body rustproofing eh why not do it. Pero warn lang kita sa services na inaalok ng casa. Go to Ziebart. Sila ang the best sa ganyan. When you go sa service na ganyan, explain mo na nakatira ka malapit sa dagat. They will know what to do and what to apply. Hope this helps.

P.S. Ang rustproofing na ginagawa sa pag gawa ng vehicles ay para sa daily araw at ulan lang yan. Hindi intended sa situations na yung vehicle exposed sa elements ng sea ocean breeze araw araw.