Good morning mga bossing.
Medyo interested po ako magpa-install ng turbo kit sa ginagamit kong sasakyan. Hindi po ako racer at hindi po ako adik sa sasakyan. Tamang gamit ko lang po sa araw-araw pamasok. Naisip ko lang palagyan kasi nababagalan ako kung minsan at nabibitin lalo na pag umo-overtake.
So ito po ang mga katanungan ko:
1. Meron po bang turbo kit para sa Mitsubishi Lancer 1996 na all-stock?
2. Kung magpapa-install ako ng turbo kit, anu-ano po ba exactly ang kailangan ko pang palitan na piyesa (air filter, racing cams, etc. if needed)?
3. Magkano po ba ang bnew and surplus nito (or kung dapat ba bnew kunin ko or ok na yung surplus)?
4. Saan po magandang bumili (cheap and reliable) at magpakabit nito?
5. Ilang percent/gaano ka-significant yung added performance?
6. Maintenance: mas mahirap/madami po ba?
7. Most importantly, yung fuel consumption.
TIA. :cupid2: