Crossback, common ata sa Civic iyan pag binuksan ang valve cover (yung takip sa ibabaw na may VTEC) pag binalik e di maganda ang pagkakasalpak, kaya may langis na tumatagas sa gilid niya, maski na tama ang paghigpit ng mekaniko.
Ang suggestion ko ay tanggalin mo na lang ulit yung valve cover (kelangan malamig makina), tapos lagyan mo ng high-temp sealant (color red) yung buong valve cover gasket (rubber ito sa ilalim nung valve cover). Pag ibabalik mo na ito, kailangan tama ang paghigpit, at may sequence sa paghigpit kelangan pag natapos mo yung isang bolt yung next bolt na hihigpitan mo ay yung nasa opposite na side.