dati nagpalit ako or rather nag assemble ako ng electronic ignition sa 4k engine ng corolla. ok naman less spark sa contact point and one click kahit malamig ang weather. may provision naman to return to the conventional ignition, ililipat lang ang isang wire just in case masira yun electronic ignition.
ang prob lang po ng IC-distributor is repair pag nasira(ung sa maxima ko nagloko ang IC ng distributor) nagpalit ako ng contact-point type.. mas madali in emergency (baon ka lang lagi ng contact-point)
mas ok ang IC, pero pag nasira ng biglaan, mahirap...
May corolla din ako dati original electronic ang ignition. Naka five years ko ring ginamit ng walang problem, madalas pa nga out-ouf town trips hanggang sa binenta ko hindi pa rin bumigay.
Nagka lancer GSR box type rin ako pero old school ( yung may condenser at contact point pa ) Ginawa ko nag-assemble ako ng electronic, ayus din ni hindi man lang ako binigyan ng problem.
Naghanap ako sa Banawe para sa 5K engine ng Liteace ko. Yung bnew pero china P3.5k ung surplus naman P2.5k daw. pero kung ako lang ang a-assemble (DIY) nasa P900 lang.
Siguro dun na lang muna ako sa DIY. at least madaling ibalik sa conventional via swicth lang kung magka-problem man sa daan.
bro, yung inassemble nyo, sa alexan ba yan? hindi ba masyado nagiinit ang ignition coil nyo? yung mga nagawa namin parati sinusunog yung mga ignition coil eh