Mga guru

Help naman po. My car is a 98 lancer glxi na matic. The other day, bigla na lang ayaw mag start ng auto, naging erratic yung mga ilaw sa gauge so akala ko battery problem (baka loose terminals kasi bago lang ang batt)

Ni-series ko sya sa isang kotse pa at gumana naman. Pinaandar ko for about 30 minutes at baka kailangan lang magkarga nung batt. Nung patayin ko na at try start ulit, ayaw na, tapos nag re-reset na yung mga electrical like yung relo, radyo. After mga 15 minutes pa, try ko ulit i-series ayaw na. Pag try i-start, nagbablack out yung electricals ko (wala nang naka-ilaw sa gauge, ayaw na umandar ng ilaw, windows etc.). Try ko na rin palit ng battery (kinuha ko yung sa isang kotse ko pa na mas bago batt) just to make sure na hindi yung batt ang problema pero ayaw pa rin

Ano po kaya problema nito?