fuel filter din ako. plus baka may water yun gas na niload. drain tank then refill with fresh gasoline. btw yun gas staion ba binabaha or near a street that is always flooded?
fuel filter din ako. plus baka may water yun gas na niload. drain tank then refill with fresh gasoline. btw yun gas staion ba binabaha or near a street that is always flooded?
yep... agree ako kay ser wildthing. pero pa check mo na rin sa reputable shops like speedyfix sanay na sanay yan sa mga honda cars (mukhang along manila area ka lang naman).Originally Posted by wildthing
mbt: lahat ng electrical parts usually walang warranty coz if another part is the culprit, you can fry the ecu again anyway.
actually sinabi ko na dati na baka yung fuel filter nga, pinalitan na nga din daw yun, tapos inisip ko baka sa gas nga, nagpapagas ako sa caltex along marcos hi-way katabi ng vermont tapat ng filinvest, ewan ko kung binabaha dun sa ngayon dati kasi di ba bahain dun? wala naman daw tubig...
btw sabi sa akin me waranty daw ng 1 month yung pinalit, surplus lang ang nakayanan ko, di kaya ng powers ko ang orig eh...
pero one of this days dadalhin ko sa shop na sinabi ninyo sa speedyfix, para macheck up talaga...medyo tinatamad pa akong lumabas ngayon at nag uulan baka abutan lang ako ng baha, naloko na...
thanks ulit sa mga payo...
airam,
magkano ang "surplus" na ECU sa rapide? na-cu-curious lang ako kung hanggang saan ang panghoholdap nila. btw mga nasa 8000 dapat yun sa banawe.. pero, tirik-tirik, ECU agad ang palit?!! natatamad lang yung mga rapide boys mag-diagnose, at may cut siguro sila sa kahit anong parts na pinalitan.
sobrang holdup ang rapide. biro mo naman, aircon aux fan, 7500 petot ang quote sa akin!!! 400 petot lang yun sa banawe.
pag computer box lang pwede mo pacheck sa rey's electrical, wizzard sa tomas morato or so greasebee sa may junction as well.
kahit bagong aux fan sa casa mga 4-5K lang usually buong assembly
:waah: naiiyak naman ako...bale po 23400 yung singil nila sa akin...before ECU e pinapalitan na nung sept 3 yung engine relay at ignition coil, umabot ng almost 12K...
nalulungkot naman ako at mukhang matagal tagal na akong naloloko...ayoko pa din sanang mag isip ng di maganda...hayyyy....
nasa akin naman yung parts na tinanggal sa car ko, saan ko kaya pwede na ialok yun para kahit papaano makabawas sa nabayaran ko...
nweiz, ginamit ko car kanina, pagdating ng C5 galing rosario, nag-ilaw yung engine ba yun? (katabi ng fuel sa dashboard) nagpanic ako, buti malapit lang shell sa me kanto ng julia vargas, tinanong ko kung ano ba yung umiilaw na yun, first time ko kasi maganun, sabi mekaniko sa engine daw, check niya mga oils, battery, sabi niya malamang computer box, dapat ireset...hay wala kong maintindihan... tinawag ko sa rapide, dalhin na lang daw dun ulit...
di ko alam kung dadalhin ko ba sa kanila or sa iba na lang... hayyy....
My advice, considering the prices you paid, mas mabuti dalhin mo na sa casa para ma check nila yung error code at madetermine kung ano yung problem. At least sa casa pag may pinalitan sila may warranty usually.
Any car (or any vehicle) once it gets older and older will show more and more problems and the owner will need more and more mechanical savy to keep it running.
No offence meant but perhaps you should think of selling the car and getting a newer one in better mechanical condition and save yourself a lot of trouble.
better not go to rapide anymore... mahirap kasi yung "baka ito.. baka ganyan..." tapos di naman sila talga experienced sa kotse... better kung sa casa ka pa-diagnose. diagnose lang muna... tapos pag alam mo na sira, dalhin mo sa reputable shops para ayusin.. for honda, speedyfix is most likely the best for your car kasi they have a name to protect and they cater mostly to hondas and car groups. madali pa kausap si migs. heheheh
Agree. Pwedeng kayanin ang gastos. Pero mahirap laging sumasakit ang ulo. Pero kung mahilig kang magbutingting okay lang.Originally Posted by calcite
Originally Posted by airam
Originally Posted by airam
Best advice IMO (see chris'). Dalhin mo na lang kung sino nakakaalam sa kotse mo. Normally kung nagtitipid ka, I can understand why you bring it elsewhere. Pero at the rate you're spending (parang casa na rin yang Rapide), might as well go back to its roots. Kung sa Marcos Hway ka nagpapa-gas, siguro sa Rapide Riverbanks ka nagpapa service. Just my guess. E konting labas ka na lang sa Riverbanks nandon na Honda Marikina. Suportado pa yan ng Honda (i've seen older cars still being serviced). Tho 10 years (lang) talaga ang committed support ng Honda sa mga units nila.Originally Posted by chris_d
Experience ko lang sa Rapide Riverbanks: nagpa check (and service) na rin ako ng a/c system dyan. In all fairness, mas mura yong quote nila ng compressor (sa Vitara...OEM daw, denso) at aux fan (sa Mazda 323...motor lang ata pinalitran). Yon lang nga, alang 1 year lang yong compressor e umingay uli. Ang mahal din ng compressor (18k). Nang ibalik ko, (3 ba) or 6 months lang daw warranty sa compressor. Langhiya. Mahinang klase o baka in-overhaul lang ata. Balik na lang ako sa Pilhino. Kung minsan kase maski mahal pero alam mo na matino ang gawa (in parts and labor) okay na rin. Ang hirap naman nong sa mura e baka palit ka ng palit (o balik ng balik). Ang mahirap (like in your case at sa compressor case ko), mahal na pero palpak din ang part na pinalit dahil either substandard o hindi yon ang sira![]()
been busy lately (going back and forth sa hospital)...
thanks sa mga advise ninyo.... just got the car last saturday from speedyfix...
yep sa rapide riverbaks ako nagpapaservice, might as well not go there anymore...sobrang hassle nung ginawa nila sa akin kaya ngayon ko lang nakuha sa shop ni sir migs...yung lumang computer box ko pa din ang kinabit nila sir migs, nag-rewiring lang sila ang put some missing sockets. mukhang okay na ulit yung car, naiuwi ko na dito sa antipolo e! hehehe...pero observe ko pa din daw dahil curious din si sir andrew hehehe...
will let you know kung ano mangyayayarihopefully okay na talaga sya! :d
Galing talaga ang mga mechanics ni Boss Migs... at lalo na sya...heheheheh....
airam... keep me updated on the car. curious din ako to see what happens since during the whole week it was with us after the rewiring wala na sya problemshopefully that solves everything na. biro mo, isang katutak na relay linagay ng rapide dun sa box. tapos di pa yata esi box yung ginamit nila. hay...
wrcastro_ph, thanks bro! ;)
hay buti na lang me tsikot at nalalaman natin kapalpakan ng mga shops na yan like rapide. at buti na lang me mga reputable shops pa rin like speedyfix. mabuhay ka sir migs.
vtec box nga po daw ang nilagay...and hindi yun sinabi sa amin until nung kukunin na namin after a week na nasa kanila yun car
buti na lang me speedy fix na nagtyaga dun sa car namin...hehehe...sir speedyfix, kahapon pinaandar ko lang sya na nakaidle, mga 30 min din yun siguro, okay naman. later ko pa itest drive ulit![]()
hi glad to be back!
nweiz update ko lang po kayo... been using the car for three weeks na (hindi nga lang everyday) pero okay na okay na sya! galing galing ng speedyfix!![]()
thank you thank you po sir speedyfix! and to the pipol behind ng tsikot, :jump2: tenks! kundi dahil sa inyo, i don't know kung ano na ang nangyari sa car namin...