Patulong naman po sa pagdiagnose. Ganito kasi yun. Nasa shaw ako tapos pakaliwa ako ng pioneer so nagleft-turn signal ako. Tapos biglang nagopen ang mga locks at umilaw yung battery light. Para bang kapag pinatay mo yung makina tapos naka-ON ka lang. Pero hindi naman namatay ang makina at maayos naman ang takbo. Ayaw lang mamatay nung battery light so tumatabi muna ako para patayin yung makina tapos start uli. Dun lang mawawala yung battery light sa dashboard. Take note na dalawang beses na nangyayari ito. Last week tsaka kanina. Same scenario, same place! Naisip ko baka sa electronics lang ng Corolla 98 ko kasi nangyari lang yun nung nagleft-turn signal ako. Help naman po. Thanks!