Results 1 to 10 of 332
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 15
February 26th, 2008 06:15 AM #11Jeanpierre,
Thanks for enlightening me. Tama ka, what makes offshore jobs so enticing and enviable is the vacationing and salary schemes. Biro mo, bakasyon ka na me sahod pa. Parang ako eh gusto na ring mag-apply dyan lalo na't kapapanganak pa lang ni misis (first baby namin)...parang ayaw kong iwanan 'yong pamilya ko. Kung ganyan lang din sana field na napasukan ko eh di kahit papano hindi masyadong masakit sa kalooban pag aalis na dahil after 28 days makikita ko na naman loved ones ko.
Sir, pls paki assess mo naman ako kung me pag-asa akong makapasok dyan para di na 'ko mag try kung sa tingin nyong mga nasa field na yan eh malabo. Actually, like 1AE, second engineer din ako sa mga LPG-carrying tankers. I am also a licensed Mechanical Engineer na nalihis dito sa seafaring field. Naging Safety Engineer muna ako with D.M. Consunji Inc. noong 1995-1996. Mula 1996, sumasakay na ako kaya wala na akong naging landbase job since that time...puro lungkot na lang at alon sa barko nararanasan ko. Gusto kong bumalik sa Mechanical Engineering practice kaya lang parang obsolete na 'yong mga nalalaman ko dahil me kaibahan na ang turo ngayon sa mga institutions.
Sumasahod ako ngayon ng USD 6100, kaya lang "all-in" yon, meaning, umabot ng ganon dahil pinagsamasama na 'yong stand-by pay at return bonus na binibigay lang pag paalis na uli (deceiving nga itong salary scheme na 'to). 4 months ang contract kaya medyo nakaka homesick pa rin lalo na't redundant na halos ang mga trabaho.
Kung makakapasok ako dyan at sasahod ng kahit USD 3000 as starting salary, ok na sa 'kin dahil sandali lang makikita ko na uli pamilya ko.
Paki assess mo naman ako sir. Thanks a lot!
Megawatt charging: https://www.youtube.com/watch?v=usUxO7y4z_E
BYD Philippines