Results 1 to 10 of 14
Threaded View
-
October 1st, 2010 07:35 PM #5
Hmmm...ayos yan at eto ang mga kailangan mo para makakuha ng STR (Subject to Regularization) visa going to Nigeria.
Personal mo na gagawin
1. NBI
2. Authentication of School Records, PRC and other certificate. (CHED, Malacanang, DFA).
3. Medical Certs mula sa government recognized hospital (ok din kung yung approved ng POEA).
4. Passport
5. airline ticket
6. CV
All in all mga 3 weeks mo yan aasikasuhin.
At yung Agency or company na kukuha sa iyo ito dapat ang ipapadala nila sa iyo at dapat parehas yan dun sa ipapadala nila (Original) sa Nigerian embassy pag may pagkakaiba...ay siya kahit maglulupasay ka di papansinin ng embassy.
1. Original Visa Request letter addressed to Nigerian Embassy Manila from hiring Company.
2. Expatriate quota.
3. Appointment letter from Nigeria Appointing applicant for the position.
4. Acceptance letter of the applicant.
5. Contract fully signed by both parties (authenticated by Phil. Embassy in Nigeria) kaya yung company ipa-authenticate pa niya yung contrata mo sa Phil Embassy. Pag di authenticated...sorry na lang.
6. Immigration quota (i-fax ito ng Nigerian Immigration sa Nig. Embassy. At yung kopya mo yung company pwede ipadala sa iyo thru email...)
Basta make sure na yung document na pinadala ng company sa Nigerian Embassy ay pareho ng nasa iyo.. at yung nasabi ko saitaas yan lahat ang kailangan. Kung may discrepancy malaman na pabalik-balik ka.
Ngayon ang problema mo na lang ay kung papano ka makakalusot sa Immigration natin lalo na kung newly hire ka... kasi ang pwede lang pumunta dun sa ngayon ay yung may existing contract. Pag newly hire sakop ka ng deployment ban...
Pero may solusyon diyan.. request ka sa employer or agency (ito yung mag hire sa iyo at seconded/i-supply ka sa client like Shell, Mobil, Total, Chevron, etc.) mo na yung ticket mo ay through any south east asian nation (HK, Singapore, Malaysia, Thailand) at wag yung Manila-Dubai-Nigeria... kasi huli ka agad. At least kung via SEA nation lalabas na mag tour ka doon tapos after three days lipad na to Nigeria via Qatar or Dubai. Para mas lalong walang hinala kung pupunta ng SEA nation ay maganda kung kasama ang Mrs or pamilya... 100% lusot yan.
Pag tinanong ng Immigration bakit may Nigerian Visa ka well sasabihin mo lang na di ka naman doon pupunta at magliliwaliw ka lang kasama ang pamilya.
Kung makaklusot ka then pag uwi mo saka mo na aasikasuhin yung sa POEA... kung may record na yung hiring agency mo dito sa POEA mas maganda pero pag wala. para kang nag-aayus from square one, kailangan na magpadala ang hiring agency /company mo ng letter of assurance sa POEA na sila ang magrepatriate sa iyo in any emergency cases. And it's another story na...
Now kung magtataka kung bakit ko alam...well.... been there and done that.. even before the deployment ban. Good luckLast edited by shakatak70; October 1st, 2010 at 07:44 PM.
And also edit option is not allowed anymore :grin:
Problems with viewing Tsikot on non-Chromium...